Bakit nga
kaya hindi nabubuo ang korum sa house of representatives, iyon ay dahil sa mga
absentees ng mga kongresista. Buti pa ang kapit-bahay kumpleto silang nagma-mahjong,
buti pa ang mga barbero kumpelto ang piyesa ng tansan pang dama nila, samantala
ang kapulungan sa kongreso kulang kulang. Kung hindi naman late, umuuwi nang
maaga.
Kung sa
school nga mahigpit ang patakaran, mag-ingay ka, noisy ka, tumayo ka, standing
naman, papaano kapag late, o kapag maaga umuwi. Papaano naman kung absent
talaga? Ilang bagay lang, masakit ang tiyan, masakit ang ulo, walang baon o
pamasahe, may sakit, may pilay at kung ano anu pang klaseng palusot, totoo man
ito o hindi.
Ano kaya ang
mga palusot ng mga kongresista kung bakit napakadaming may absent. May mga
bulok na ginagawa ang mga istudyante na nadadala pa din natin sa ating
pagtanda.
Sa nalalapit
na eleksyon sa susunod na taon, nagbanta ang simbahang katoliko na wag
suportahan at hindi makakatangap ng boto ng mga kongresistang susuporta sa
Republic Health Bill. Dahil ba sa panukalang patungkol sa RH Bill ay
pinandidirihan ng bawat kongresista ang issue nito. Napaka kontrobersyal kasi
ng usaping RH Bill, kaya siguro sila puro absent, late at early dismissal ang
nakasanayan ng ating mga leader. Natatakot ba silang hindi maindorso ng
simbahan, takot ba silang hindi makakuha ng boto galing sa mga kontra sa RH
Bill. Ang pag-iwas sa boto ng RH Bill dahil sa napapalit na eleksyon. Samantalang
buong buo nilang nakukuha ang kanilang sahod, ang kompletong pork barrel.
Di kaya
personal na relasyon lang ang kagustuhan ng mga kongresistang nuknukan ng dami
ng absents, sa makatuwid makakuha lang ng maraming boto galing sa tulong ng
simbaha, mapa Pro ito o Anti.
Wala na kayo
sa iskuwelahan, nasa ibang posisyon na kayo. Sana hindi ito makalimutan ng
minamahal nating kongresista.
No comments:
Post a Comment
PLEASE, DO DROP YOUR COMMENT, AND INDICATE YOUR NAME / EMAIL (facebook or yahoo messager) SO THAT I CAN MESSAGE YOU THANKS.