26 November 2012

Absentista Kongresista

Bakit nga kaya hindi nabubuo ang korum sa house of representatives, iyon ay dahil sa mga absentees ng mga kongresista. Buti pa ang kapit-bahay kumpleto silang nagma-mahjong, buti pa ang mga barbero kumpelto ang piyesa ng tansan pang dama nila, samantala ang kapulungan sa kongreso kulang kulang. Kung hindi naman late, umuuwi nang maaga. 

Kung sa school nga mahigpit ang patakaran, mag-ingay ka, noisy ka, tumayo ka, standing naman, papaano kapag late, o kapag maaga umuwi. Papaano naman kung absent talaga? Ilang bagay lang, masakit ang tiyan, masakit ang ulo, walang baon o pamasahe, may sakit, may pilay at kung ano anu pang klaseng palusot, totoo man ito o hindi.

Ano kaya ang mga palusot ng mga kongresista kung bakit napakadaming may absent. May mga bulok na ginagawa ang mga istudyante na nadadala pa din natin sa ating pagtanda. 

Sa nalalapit na eleksyon sa susunod na taon, nagbanta ang simbahang katoliko na wag suportahan at hindi makakatangap ng boto ng mga kongresistang susuporta sa Republic Health Bill. Dahil ba sa panukalang patungkol sa RH Bill ay pinandidirihan ng bawat kongresista ang issue nito. Napaka kontrobersyal kasi ng usaping RH Bill, kaya siguro sila puro absent, late at early dismissal ang nakasanayan ng ating mga leader. Natatakot ba silang hindi maindorso ng simbahan, takot ba silang hindi makakuha ng boto galing sa mga kontra sa RH Bill. Ang pag-iwas sa boto ng RH Bill dahil sa napapalit na eleksyon. Samantalang buong buo nilang nakukuha ang kanilang sahod, ang kompletong pork barrel.

Di kaya personal na relasyon lang ang kagustuhan ng mga kongresistang nuknukan ng dami ng absents, sa makatuwid makakuha lang ng maraming boto galing sa tulong ng simbaha, mapa Pro ito o Anti.

Wala na kayo sa iskuwelahan, nasa ibang posisyon na kayo. Sana hindi ito makalimutan ng minamahal nating kongresista.

16 November 2012

Hindi ako releheyosong tao, PERO…

Ang taas ng paghanga ko sa mga taong pumapasok sa pagpapari. Ung idea of vocation ay napakahirap na paraan ng pasasakripisyo, ung quality of commitment, walang kahit anong materyal na bagay, walang makamundong pagnanasa, at alam naman natin na andon lagi ang providence ni God na hinding hindi nagkukulang, parang ilaw, patuloy na magniningning at iilaw ito.

Baka kasi dumating ang panahon na magkukulang ang kaparian, magkakaroon ng kakulangan. Siguro kasi mula sa pagkabata ay nauunahan tayo ng pangarap n gating mga magulang para sa magandang propesyon, nasusundan ito ng maraming pangaral, at dahil dito ay naguguluhan ang kaisipan ng kabataan kung anong gusto niya sa kanyang buhay.

There is a mystery under the vocation story. May paraan ang Diyos para maglingkod sa kanya, “calling” kung baga. Aminin man natin na hindi sapat ang ration ng mga pari sa dami nang tao ngayon, how much more sa ilang susunod pang araw. Maging ang mga semenarista, kulang na din. Sabi nga ng ibang pari “life of a priest is easier than married life”, siguro nga kasi kung kalooban ng Diyos ang susundin ay mas magigign simple ang lahat, ang pagtugon sa panawagan ng Diyos.

Maaaring maging krisis ang kakulangan sa mga pari. Kasama dito ang aspekto ng materyalismo, ang kulturang makamundong bagay, at ang makamundong pagnanasa, ang salitang Celibacy o ang makamundong pagnanasa, papaano mabubuhay nang katapatan. Ang hirap ng vocation ng pagpapari.

Ito lang ang alam ko. Basta hindi naman nagkukulang ang Diyos, dahil ang lahat ay nakukuha sa dasal. Hindi dapat katakutan ang pag-anyaya ng Diyos, wala man siyang mobile phone, may load ka man o wala, siya na mismo ang tatawag sayo kahit anong panahon, sa kahit anong oras pa. Basta we proclaim the word of God.

09 November 2012

Viral Music Videos

What makes it thick? What makes it special?

Ung mga Viral Music Videos tulad ng kantang Gangnam Style na hindi naman natin lubos na naiintindihan ang ibig sabihin. Papaano kung baguhin ang melodiya ng kanta, ganun pa din ba kaganda? Di kaya dahil sa magagandang chx, kahit hindi naman natin naiintindihan ang lyrics nito.

It looks like the video is not taking the music seriously. The track can exist without even the video. Na kahit hindi mo sya gusto, basta lagi mo syang pinapakingan, magugustuhan mo ito.

Istorya at Kasaysayan



Krimen na maituturing ng mga historyador ang pagtuturo sa kasaysayan ang pagkakabisado ng petsa mga pangalan at iba’t ibang lugar. Angkop na naratibong kawikaan na “Ang kasaysayan ad dapat may saysay”, nag-uumpisa sa simula, may gitna at magwawakas sa katapusan. At dapat may proseso din ang pagsulat nang naratibong kasaysayan.

Sa paglipas ng panahon, may mga historyador na nabago na ang paraan at istilo nang pagsulat ng kasaysayan. Binago ang paraan at istilo ng pagsulat ng kasaysayan batay sa punto de bista ng manunulat, o nang kanyang lahi. Makabayan at patriyatikong pagtalakay ng mga bagay patungkol sa nakaraan.

Imposibleng makasulat ng kasaysayan nang purong obhektibo, dahil ang ating emosyon ay naglalagay ng kulay sa sarili nating perspestibong pananaw sa pagsulat ng kasaysayan. Dahil ang mahusay na historyador ay gumagamit nang pag-udyok sa imahenasyon gamit ang punto de bista ng manunulat nang kasaysayan, un ay pagkilala sa panitikan. Ang sangkap sa pagsulat ng kasaysayan ay dapat ang manunulat ay imahinatibo at analitika kung mag-isip, ung tipong binubuhay ang nakaraan para sa kasaysayan.

Ang mga Pilipino ay naniniwala lang sa mga nakasulat na kasaysayan, lumabas man na masama o kawawa ang sariling lahi, basta may basehan na nakasulat ito, paniniwalaan nila ito. At kung muli itong isusulat ng susunod na henerasyon ay laging nakabatay sa aklat o libro ng dating nang nagsulat nito.  Tayo kasing mga Pilipino mahilig maniwala sa mga sabi-sabi, bukang-bibig at tsismis, kahit walang basehan.

Dati kasi, ang may kakayahan lang makapagsulat ng kasaysayan ay mga kolonyalismo, o mga mananakop, mayayaman at mga nakapagaral, at dahil sila lang ang may karapatan magsulat, lahat ng kanilang ginawa ay patungkol lagi sa pananaw nila, kung baga sila ang bida at iba ang kontrabida. Nilagay natin sa katauhan ng mga banyagang tao ang ating kasaysayan.

Kahit pala sa ating mga bayani, dinidikit pa din natin ang kaisipang kolonyal. Tulad ng "Joan of Arc ng Pilipinas" o "Barack Obama ng Pilipinas". Nakikilala natin ang banyaga pero ang mismong sariling Bayani natin ay hindi nating kilala kung sino at ano sila. Itinatabi nalang natin sila sa mga kilalang tao nang ibang bansa. Kung bakit nilalagay natin sa katauhan ng mga banyagang tao sa katauhan ng ating mga bayani. Ngangahulugan lang ito na mas kilala natin ang mga banyagang bayani kesa sa pagkilala sa ating sariling bayani

Sa punto ng Pilipinas, ang historya at kasaysayan natin ay dapat isinusulat sa pananaw natin bilang mga Pilipino, na dapat ang punto de bista ay hindi sa mananakot o mga dayuhan. Kaya hindi dapat sabihin na mali ang isinulat ng ibang historyador, kumpara sa iba. Dahil ang bawat historyador ay may pagkakahati-hati ng istorya sa kasaysayan, maaaring tama sa kanya at mali naman sa iba, o maaaring mali naman sa kanila pero tama sa iba.