Musika ay nang galing sa iba’t ibang porma, maaaring tunog
at tinig, letra, pagbaybay ng salita, instrumento at, at maging ang ingay, sa
kahit anung tono, sukat at iba pa. Pero anu nga ba talaga ang tunay na kunsepto
ng Musika.
Ang lubos na kunsepto
ng Musika; Ito ba ay pinapakinggang lang. Ito ba ay nasa tunog ng instrument
lang. Ito ba ay nalalanghap, naaamoy, nakikita, o nararamdaman.
Noon, ang pakikinig ng musika ay hindi para maging
dekorasyon lang sa tenga ang nakasukbit na headset o ear phone. Hindi ito
inilalakad o gingawang pang porma kung may pupuntahan. Hindi ito sa kung sinung
sikat na musikero. Hindi lang ginagamit pang background music habang naglilinis
ng bahay. At kung anu anu pang gawaing nagpapawala sa seryosong pakikinig ng
musika.
Ang tunay na sining ng pakikinig ng musika ay iuupo ang
sarili, habang ikinakalma ang sarili sa saliw ng musika. Kailangan bukas ang
isipan para namnamin at hayaang gumapang sa buong pagkatao ang musika, na
parang inaari mo ang bawat tunog at tinig, mga letra at pagbaybay ng salita, mga
instrument, ingay, tono, sukat at ibang sangkap para mainitindihan ang kabuohang
musika.
Parang sa pagtugtog ng musika. Ginagawa ng karamihan na
tumugtog sa kahit anung prespektibong pagtingin ang musika. Na parang
tumutugtug lang sila dahil gusto lang nila. Hindi nila ginagawang tumugtog ng
musika para marinig ang musika nila. Magkaibang paraan pagdating sa larangan ng
musika. Maging sa seryosong Pakikinig ng Musika.
No comments:
Post a Comment
PLEASE, DO DROP YOUR COMMENT, AND INDICATE YOUR NAME / EMAIL (facebook or yahoo messager) SO THAT I CAN MESSAGE YOU THANKS.