Hindi na para sayo ang kalye. Kung saan isinisigaw ang
dalamhati na nararanasan. Kung saan hindi lang ang lakas ng boses ang armas
para sa hinanaing kundi maging ang banderang iyong iwinawagayway, at ang
litrato gusto usiging para panagutin. Hindi na sayo ang lansangang kahit saan
kadapuan ng antok, dun ka matutulog. Hindi na rin sayo ang tingkad ng sikat ng
araw sa tapat na katanghalian. Hindi na sayo ang alikabok ng kalsada.
Hindi na para sayo ang mahihigpit na kamay ng mga otoritadong
taong huhuli at kusang aalisin ka sa grupong iyong kinasasamahan.
At higit sa lahat. Hindi na sayo ang malamig na rehas na iyong nahimas noon. At nag uubos ng oras para palayain ka at muling maging malaya.
At higit sa lahat. Hindi na sayo ang malamig na rehas na iyong nahimas noon. At nag uubos ng oras para palayain ka at muling maging malaya.
Hindi ka na din para sa biyolenteng pagkilos ng kabilang
panig. Hindi water tank cannon, hindi na barb wire, hindi na barekada, hindi na
panangga ng pulis. Hinding hindi na para sayo.
Hinding hindi na para sayo. Hinding hindi na para sayo ang
dating lansangang palasyo ng sigaw kasamahang mga tao.
Hinding hindi na para sayo ito.
Oo nga pala. Ang
Raliyista at Aktibista ang magkaiba. Magkaibang magkaiba.
Nagmamahal,
RALIBISTA
No comments:
Post a Comment
PLEASE, DO DROP YOUR COMMENT, AND INDICATE YOUR NAME / EMAIL (facebook or yahoo messager) SO THAT I CAN MESSAGE YOU THANKS.