24 July 2012

Pasulat ng Tula

Ang pagsulat ng tula, buong akala ay pinagsasama samang mga salita, lalagyan ng ritmo sa dulo ng salita, tapos lagyan ng tono ang pagbasa, buong akala ay tula na. Hindi pala ganun ka dali un. Hindi pala.

Sa kinagisnan n gating lipi na maging magaling na manunulat at makata ay hindi lahat ay naka gagawa ng tula. Magaling sumulat at magtapumpati pero hindi naka gagawa ng tula. May mga taong sadlak sa dami ng librong na basa pero ni kapirasong baiting ay hindi maka sulat ng tula. 

Ang sarap ng paglikha at pagbasa ng tula ay hindi sa unang pagbasa maiintindihan. Kailangan ng pangalawa, pangatlo o higit pang pagbasa para lubos itong namnamin ng pagbasa. Ang paraang binabaybay ang bawat salita at binibigyan diin ang emosyon sa pagitan ng mambabasa at tula. Na parang aari nang mambabasa ang bawat salitang lalabas sa kanyang labi. Kung saan mabigat o magaan. Kung saan galit o Masaya. Kung saan dapat muling ulitin ang mga salitang hindi ka agad naiintindihan. Yun ang kagandahan ng tula.

Pero hindi lang ganun ka daling lumikha ang tula. Dahil siguro habang tumatagal ay lalung lumalalim ang kagustuhang maka likha ng magandang tula. Magmula sa simula, kalagitnaan at wakas. Sa tema at simbolo, hanggang pamagat nito. Dito inaangkin ng manunulat ng tula ang lahat ng element habang isinusulat ay maka ilang ulit nila itong binibigkas. Para maka likha ng magandang tula kailangan itong paulit ulit gawin, paulit ulit basahin, at paulit ulit baguhin.

23 July 2012

Nagmamahal, RALIBISTA


Hindi na para sayo ang kalye. Kung saan isinisigaw ang dalamhati na nararanasan. Kung saan hindi lang ang lakas ng boses ang armas para sa hinanaing kundi maging ang banderang iyong iwinawagayway, at ang litrato gusto usiging para panagutin. Hindi na sayo ang lansangang kahit saan kadapuan ng antok, dun ka matutulog. Hindi na rin sayo ang tingkad ng sikat ng araw sa tapat na katanghalian. Hindi na sayo ang alikabok ng kalsada.
Hindi na para sayo ang mahihigpit na kamay ng mga otoritadong taong huhuli at kusang aalisin ka sa grupong iyong kinasasamahan.

At higit sa lahat. Hindi na sayo ang malamig na rehas na iyong nahimas noon. At nag uubos ng oras para palayain ka at muling maging malaya.

Hindi ka na din para sa biyolenteng pagkilos ng kabilang panig. Hindi water tank cannon, hindi na barb wire, hindi na barekada, hindi na panangga ng pulis. Hinding hindi na para sayo.
Hinding hindi na para sayo. Hinding hindi na para sayo ang dating lansangang palasyo ng sigaw kasamahang mga tao. 

Hinding hindi na para sayo ito.

Oo nga pala.  Ang Raliyista at Aktibista ang magkaiba. Magkaibang magkaiba.

Nagmamahal,
RALIBISTA

22 July 2012

Pakikinig ng Musika


Musika ay nang galing sa iba’t ibang porma, maaaring tunog at tinig, letra, pagbaybay ng salita, instrumento at, at maging ang ingay, sa kahit anung tono, sukat at iba pa. Pero anu nga ba talaga ang tunay na kunsepto ng Musika. 

Ang  lubos na kunsepto ng Musika; Ito ba ay pinapakinggang lang. Ito ba ay nasa tunog ng instrument lang. Ito ba ay nalalanghap, naaamoy, nakikita, o nararamdaman.

Noon, ang pakikinig ng musika ay hindi para maging dekorasyon lang sa tenga ang nakasukbit na headset o ear phone. Hindi ito inilalakad o gingawang pang porma kung may pupuntahan. Hindi ito sa kung sinung sikat na musikero. Hindi lang ginagamit pang background music habang naglilinis ng bahay. At kung anu anu pang gawaing nagpapawala sa seryosong pakikinig ng musika.

Ang tunay na sining ng pakikinig ng musika ay iuupo ang sarili, habang ikinakalma ang sarili sa saliw ng musika. Kailangan bukas ang isipan para namnamin at hayaang gumapang sa buong pagkatao ang musika, na parang inaari mo ang bawat tunog at tinig, mga letra at pagbaybay ng salita, mga instrument, ingay, tono, sukat at ibang sangkap para mainitindihan ang kabuohang musika.

Parang sa pagtugtog ng musika. Ginagawa ng karamihan na tumugtog sa kahit anung prespektibong pagtingin ang musika. Na parang tumutugtug lang sila dahil gusto lang nila. Hindi nila ginagawang tumugtog ng musika para marinig ang musika nila. Magkaibang paraan pagdating sa larangan ng musika. Maging sa seryosong Pakikinig ng Musika.

Litratista

Noon, ang camera ay gumagawa ng pagre record ng imahe kung saan kailangan nang proseso sa dark room. Ito ung tinatawag na "Raw Talent Photography".

Ngayon, basta may cellphone na de camera ka at alipin ka ng photoshop editing. Ang mga nauusong camera click nalang ng click tapus mamimili ka nalang ng magandang kuha. Ito naman ung tinatawag na "Digital Photography".

Sining din ang pagkuha ng litrato. Litratista ang tawag ng matatandang mangunguha ng litrato. Teka nga, para saan nga pala ito, "HINDI KO ALAM, BASTA".

Pero nang nauso ang Digital Photography, kahit sino nalang pwedeng tawaging "Photographer" o "Litratista". Basta merong kang pang kuha ng imahe.

Maaari nga, pwedeng matawag na "Photographer" o "Litratista" pag Digital Photography, pero nawawala na ang Sining at Talento.


Nang nauso ang Digital Photoghapy, lahat nalang pwedeng tawaging "Photographer".

"ANG SARAP KUTONGAN".

17 July 2012

TFTFZ


Ang pangalan ko po pala ay Jay-Jay. At ang gurly naman ay si Mae-Mae. Ganito po nag umpisa.
Kumukuha ako noon ng schedule sa darating na semester nung una ko siyang mapansin. Buong akala ko ay mahirap siyang kausapin. At hindi pumasok sa isipan kong magiging matalik kaming magkaibigan.
Hanggang sa naging classmate ko siya sa isang minor subject. Doon ako naglakas ng loob magpakilala, at alamin ang mobile phone number at email address niya. 

Nang malaman kong kaka hiwalay pa lang niya sa shota niyang obit, doon ako pumasok sa eksena. Nagte-text kami, nagcha-chat din kami, at higit sa lahat hinayaan kong maging palagay ang loob niya sakin. Hanggang sa nasasabihan niya ako ng mga sekreto na kaming dalawa lang ang naka aalam.

Dumating ang oras na nasabi ko sa kanya ang naramdaman ko habang lumilipas ang panahong kasama ko siya. Pinayagan niya akong manligaw. At kada magkikita kami ay pumipitas ako ng bulaklak sa hardin na aming eskuwelahan.

Masaya akong nakikita ko siya sa pinakamagandang ngiti niya. Buong akala ko ay wala nang katapusan ang ganitong pakiramdam. Nagkamali po pala ako.

Hindi ko akalain na siya mismo ang bumabalik balik sa dati niyang shota, take note, obit nga pop ala siya. Ang pangalan niya po ay Nina. Un po ang dahilan kung bakit biglang bumaliktad ang mundo ko. Kahit alam ko pong nagkikita sila, nagde date at nagsusulatan, ay pilit ko pong binubulag ang aking sarili na tapus na sila, wala na sila.

Nang magkita maki ni Mae-Mae at nalaman kong naging sila ulit ni Nina ay gusto ko na pong mawala habang naka tingin sa kanya. At walang pasa pasabi na durog po ang puso ko, at na dudurog po itong pa ulit ulit habang nakikita ko siyang nagpapaka tanga at nasasaktan sa relasyon nilang dalawa.

Wala na po akong nagawa kundi pabayaan na lang ang pagkakaibigan naming mapunta sa wala. Sa sobrang sakit na po kasi kaya ako na lang ang lumayo.

Maraming Salamat po sa pagbasa ng aking liham.

Nagmamahal. Jay-Jay.