Anu nga ba ang “Sandata”?
“Ewan, hindi ko alam. Napakarami nga siguro.”
Ito siguro ung mga tingga ng baril, talas at talim ng itak at granada at bomba. Siguro pwede rin tanke, eroplano pang gera, at barkong pang digma. At siguro naka mamatay. Pwede rin namang hindi naka mamatay. Basta may pinaparamdam at may pinapahiwatig, nakakapanakit sayo. Pwede ring may sinasabi, at pwede rin naman wala.
“Malabo ba?”
Basta lahat ng bagay na kayang maka panakit sayo. Sa kahit anong porma, sa sayaw, sa salita, kahit sa sulat at pag guhit. Ito ang literal na depenasyon ng salitang Sandata. Nilikha ang sandata para makapanakit, promotekta, dumipensa, gumanti, at kumitil.
“Sabihin na natin sa nakaka tawang paraan, kasi nga naman.”
Marami na kasing marunong humawak ng sandata, at saka pala abusado sa paggamit nito. Mas marami pa nga ang marunong sa maling paraan ng paggamit ng sandata, hindi na mabilang. At marami pang parating.
“Papaano nga ba mababago ng “Sandata” ang lipunan?”
Sandali nga, ang bigat naman ng tanong. Ang bigat ng letra, anu nga ulit ang tanong.
“Papaano ba mababago ng “Sandata” ang lipunan.”
Teka nga, isa isahin natin. “Sandata”, pwedeng Armas, mga gamit, salita, ekspresyon at iba pa na kayang maka sakit o maka panakit sa iba alinsunod sa paggamit nito. “Lipunan”, malaking pangkat ng tao na may sariling pananaw sa ugali, ideya at saluobin.
“Masakit ba sa ulo?”
Sabi nga nila, kayang magumpisa gera ang sandata, kayang kumitil at pagbuwisan ng buhay, kayang padanakin ang dugo mula sa kinakatayuan. Pero hindi nito kayang pumigil ng pagka gutom ng milyong kabataan, hindi nito kayang patigilin ang ikay ng maraming taong nagluluksa sa pagkawala ng mahal nila sa buhay, hindi din nito kayang pumigil ng umaabuso sa paghawak ng sandata. Mga taong naka may kakayahan maka panakit at masaktan.
Hindi baril, itak, bomba at granada, tangke, eroplano at barko ang pinaka malakas na sandata. Ito ay tinawatag na “Kapangyarihan”. KAPANGYARIHAN, ANG PINAKAMALAKAS NA SANDATA.
No comments:
Post a Comment
PLEASE, DO DROP YOUR COMMENT, AND INDICATE YOUR NAME / EMAIL (facebook or yahoo messager) SO THAT I CAN MESSAGE YOU THANKS.