“Wala” ang kunsepto ng “pagiging wala”, parang “wala” o “wala lang”.
“Walang Pakialam” ito ang konsepto ng “pagiging walang alam sa pakialam”.
Ang paniniwalang hinding hindi mababago, un ay ang “Buhay at Kamatayan”. Natural na batas ng mundo ang Mabuhay para sa kadahilanan, kadahilanang pumili ng mga bagay na gagawing makabuluhan. At ang salitang Mamatay na napaka kongretong pangyayari, na ang reyalidad sa lahat ay nagtatapos.
Kapag Buhay ito ang makikita, walang pagkain sa hapag kainan; walang libro at pang matrikula sa paaralan; walang sapat na kaalaman ang mga guro para dahil sa kakulangan ng trainings at seminars; walang bagay na trabaho para sa mga hindi naka pagtapos at hindi naka pagaral; walang naiiwang matatalino at mga henyong tao, lahat nasa ibang bansa; walang permanenteng tirahan ang madaming kababayan natin, kaya napipilitang na lang gumawa ng hindi maganda para mabuhay lang; at maraming marami pa na mula sa kaibabawan hanggang sa kailaliman, andyan lang sila.
Kamatayan, lahat ng buhay na nilikha sa mundo ma uuwi sa kamatayan. Kaya siguro kung papanaw ka, siguraduhin mong maaalala ka sa paraang nabubuhay ka, hindi sa paraang patay ka na. sabi nga eh “isa lang ang buhay mo, kung mamamatay ka, mamatay ka sa paraang napaka ganda”. Lahat ng bagay sa mundo, may katapusan, kaya nga tinawag na “Katapusan” kasi “Tapos na” eh.
Anung ibig sabihin nito, simple lang, “WALA”, oh kaya pwede ring “WALANG PAKIALAM”. Maraming tao sa mundo; nabuhay; merong makain sa mesa, nagka edukasyon; nagka pera at yumaman, nalamanan ang utak, tumalino at henyo nga kung tutuusin; merong magandang bahay, maraming luho sa buhay: at iba pang mga sobra sa hinihingi ng pagkakataon para sa tinatawag na Buhay.
Eh sa Kamatayan, sigurado namatay nang “WALANG PAKIALAM”, mas malala sa pagiging "WALA". Nabuhay namatay nang walang pakialam.
Hindi masamang tumunganga, pero dapat may ginagawa ka hindi lang tunganga. Maraming problema ang mundo, at hinding hindi sulusyon ang pagtunganga sa magiging sagot nito. Hindi pulis, sundalo, artista, pulitiko, super heroes kung gusto mo ng pagbabago, siguro kailangan muna umpisahan sa SARILI mo.
No comments:
Post a Comment
PLEASE, DO DROP YOUR COMMENT, AND INDICATE YOUR NAME / EMAIL (facebook or yahoo messager) SO THAT I CAN MESSAGE YOU THANKS.