05 March 2012

Payat! Taas!

Mabato at hindi sementado kalsada, makitid at makipot na daan, mga binatang imbes na sa iskwelahan makikita ay sa basket ball court naglalagi, mga kababaihang nasa lansangan ng bibilang ng bagong mukha magagawi kanilang lugar, mga magulang na kung hindi sa mag mag to “tongits” nahuhumaling ay mga amiga at amigo napapa kwento, halos halakhak at bungisngis ang maririnig.

“Teka nga. Bakit parang may kulang?”

“Nasaan ang mga kabataan?”


Sa katanhaliaang tapat ang oras ng dating ng truck para mag bagsak ng mga na kolektang “basura” galing iba’t ibang lugar ng Metro Manila. Mula sa init ng katanghalian, tirik na araw at nakakasunog na sikat ng araw, makikita ang mga kabataan sa “Tambakan ng Basurahan” na kung tawagin sa lugar nila ay “Pili”.

Sa loobang lugar ng Payatas, dito makikita ang Pili, literal na Pagpipilian para sa kanilang Pagkakakitaan at Pagkakabuhayan. Na mula sa kalayuan sa may tindahang aking kinatatapakan, ang Open-Area Basketball Court makikita ang ilang kabataan nagaabutan at nagaambagan ng pustang pera laban sa kabilang grupo. Takbong may kasamang paghangos, pawis mula sa tagisan ng pagkilos sa ilalim ng mainit na araw. Sandaling nabaling ang aking paningin sa kaliwang bahagi ng lugar sa munting barangay sa Payatas ay ang mga Teenager na kababaihan at binata akapin na ang Mobile Phones kaka pindot at kakatawag sa kahit hindi naman kakilalang tao. Muling napako aking paningin sa kanang bahagi ng Barangay kung saan meron Silid-Aralan (Akap Bata) para sa mga Munting Paslit Iba’t ibang sukat ng upuan, iba’t ibang kulay, iba’t ibang sukat, na halatang kinuha mula sa magkaka ibang bahagi ng kahoy para maka gawa ng silya para sa munting paslit. Walang school supplies, pang kulay, papel, meron naman libro pero halos wala nang mapagkapitan ng mga pahina nito dahil sa sobrang pag gamit ng nagsusumikap ng munting paslit.

“Payatas? Eh bakit? Nasaan ung Tambakan, ung “Pili”?”

Mausok, mabaho, maalinsangan, at mainit, ito ang pakiramdam nang mga oras na iyon. Mga munting paslit na namimili at naghahanap ng mga bagay na pwedeng mabenta sa mga “Junk” sa lugar. Nagkaroon ng munting paguusap sa pagitan naming at nga Caretaker ng “Pili”, wika nya “itong lugar na ito, hindi ito basurahan, tambakan ito. Tambakan kung saan pwedeng mamili ng pwedeng ipagpalit sa pera.”, sinabi din na “kesa mang hold-up at magnakaw kami, marangal pa ito kahit madumi”. Itong mga salita mula sa munting kabataan ng isang liblib na lugar sa Payatas.

“Eh anung gusto mong mangyari?”

Mangyari? Siguro nais ipakita ng kapaligiran na ang mundo sa kabilang parte nito, hindi ung maraming pera, may pagkain sa hapag-kainan, mga mamahaling gamit na ung iba ay walang pambili ng libro at makakain.

“Para saan ito? Wala. Wala para sa mga Walang Paki Alam.”

No comments:

Post a Comment

PLEASE, DO DROP YOUR COMMENT, AND INDICATE YOUR NAME / EMAIL (facebook or yahoo messager) SO THAT I CAN MESSAGE YOU THANKS.