Ang Manunulat,
Humahalina sa bisig ng sandatang gamit sa pangsulat
Naising ipahayag ang damdamin na kayang magpamulat
Damhin ang sibolo ng saloobin ng pagguhit sa kanyang alamat
Ang manunulat na kayang sumulat para magmulat ng kanyang alamat.
Ang Susulat,
Hawig sa sabi at salita ng labi, ang kanyang palad na kayang umunat
Mga pantig at letra sa isipan, kanyang nilinang ang ideyang naka kalat
Hain ng nagpagbaybay sa salita, na nais matala sa akda ng kanyang aklat
Ang susulat at kayang umunat, ay may kalat sa isipan, na likha ng aklat.
Ang Sulat
Ang manunulat na kayang sumulat para magmulat ng kanyang alamat.
Ang susulat at kayang umunat, ay may kalat sa isipan, na likha ng aklat.
Noon nang Alamat ituring, Ngayong aklat na kayang linangin.
Ang Manunulat na Susulat ng Sulat.
/this writing is for http://www.facebook.com/kj.nadera./
No comments:
Post a Comment
PLEASE, DO DROP YOUR COMMENT, AND INDICATE YOUR NAME / EMAIL (facebook or yahoo messager) SO THAT I CAN MESSAGE YOU THANKS.