20 February 2009

Happy Valentine Nezly

.. matagal na panahon na din naka pagpahinga ang aking kamay.. walang dahilan para pakilusin at muling humawak ng lapis at tumulak ulit sa pagsusulat.. kadalasan nakatingin, naka tanga sa malayo at pilit nagiisip kahit wala naman talaga.. komplikasyon ata ang pagkakabuhol ng mga daliri, kelan ulit kaya ako sisingilin na muli akong magbago.. magbago pabalik sa dati..

.. kung bibigyan ulit pagkakataon na magigising at matapus ang aking pagkakaidlip, aalisan ko sa pagkakasintas ang aking mga daliri, at pagaganahin itong sentido para di maka iwas sa katotohanan.. katotohanang may kaibigan akong di pwedng kalimutan, pagalayan ng kapirsong ngiti..

.. kung bakit di naman ganito nung una kitang makita, parang salamangkang bumalot.. di naman tayo naka paguusap kasing haba ng isang buong hpon, mabilis lang napanatag ang lht.. kaya may kung anung udyok ang nagsabi sakin sumulat at ibaling sayo lahat ng naka lagay dito.. ewan, tingin ko sapat ka para pahupain ang hirap ng kalooban, at pagod kong isipan..

.. buong pangarap kong laman kesa aking isip, buong nais akong humarap pagtapos ng iyong pagihip.. marami akong gustong sabihin, marami akong gustong usapan muli nating pagsasaluhan.. kahit di sa buong hapon, kahit manatiling panaginip pa.. marami akong gustong sabihing pasasalamat..

.. ngunit..

.. panu kung sa paguusap natin bigla tumigil ang tibok ng aking puso, mawalan ako ng hininga ng kasama ka.. panu kung sa gitna ng ating usapan mawalan ng buhay ang katawan ko.. panu kung bigla mo akong talikuran pagtapus mo malaman kahit sa kailaliman ko, sekreto sa kaibuturan ko..

.. kaya siguro pagaari ko tulad ng malaking tagumpay ang pangarap kong ito kahit sa simpleng papel lang.. sa pamamagitan nito gusto kong makipag ugnayan, nais kong makipag unawaan.. sana di nagtatapos sa isang hapon magkasama tayo, sana sa paraang di lang sa pamamagitan ng pagngiti at paglalambing..

.. mahirap man aminin pero gusto ko sana ikaw ang tumuklas ng pinakadulo, ung lagpas pa sa kapangyarihan ng pagsulat at pagsasalita.. wikang kayang unawain ng puso’t damdamin ng bawat isa..

.. di ko man kayang magkwento ng harapan, kahit sa ibang paraan.. sa pamamagitan ng pagkilos, maaaring nagkukubli ang mukha ngunit nakaharap ang katawan, at magkabigkis ang mainit na paguugnyan.. mapakingan mo sana ang lenguaheng sinasabi na ating katawan..

No comments:

Post a Comment

PLEASE, DO DROP YOUR COMMENT, AND INDICATE YOUR NAME / EMAIL (facebook or yahoo messager) SO THAT I CAN MESSAGE YOU THANKS.