28 February 2009

6th letter to regret, and then forget

Hinalungkat ko ang mga di na ibigay na sulat na matagal ko nang itinatago. Dito ako nagumpisa, mula sa pinakauna hangang sa pinakahuling sulat kamay. Sa tagal na panahon, kahit hindi naging kami, pakiramdam ko kaya ko syang yakapin sa mga sulat ko. Di ko na nagawang iabot ang mga sulat para sa kanya, alam ko kahit isang beses ko syang pagalayan ng pagibig at pagmamahal, mas pipiliin nya pang lumayo. Dahil in first place, its imposible to love me back, eto lng ako eh.

Sa totoo lang, hindi ako mahilig gumawa ng love letter. Natatandaan ko, iisang babae pa lang ang pinagalayan ko ng panahon sa pamamagitan ng liham. Mahirap gumawa ng love letter, pero kung ito ay pagpapahayag ng damdamin sigurago tatama sa pagbibigyan ang mga salita sa kapirasong papel na gagamitin mo.

Muli ko silang binuksan at binasa. Walang pagbabago ang sulat-kamay, hangang ngayon walang pinagkaiba. Ang first letter nung Dec24 bago ka mag-birthday. Ang sulat na iyon ay nagpapahayag ng tinatagong na raramdaman, na may pagtingin ako sa kanya. Ung second letter naman Dec25, pasko at birthday mo, acctually this letter is for Santa Claus kung saan ang gusto kong regalo sa pagpasok ng pasko ay habang buhay kang ibigin, habang buhay kitang mahalin, at habang buhay kang pangitiin. Third letter naman nung Jan3, pinagpalit ko ang nararamdaman ko sa tinatawag nilang pagkakaibigan. Halos sumabog ang puso ko, kasi kung sinong mahal na mahal mo, kung sinong pinapangarap mo ng matagal na panahon, sya rin sisira ng buong pangarap at kagustuhan ko nang di nya namamalayan. Fouth letter, Feb14, valentines day un. Para tayong patay sa isat-isa, siguro kasi may taong bumalik, araw ng puso din pakiramdam ko my heart stop on singing. Biruin mo, sinuko ko lahat sa buhay ko para sa isang dalaga pero pagdating sa huli “failure” ang sagot ng pagkakataon. Pagkatapos kong baguhin lahat sakin, siguro im just a boy trying to find my place in the lonely world. Last letter, fifth letter ko para sa kanya. Feb18, fourth death anniversary ng exbestfriend ko, ginawa ko ito kasi ayaw kong mauwi sa wala lahat ng naipundar, pagibig at pagmamahal, insperasyon at kalinga, sakit at mga ngiti dati pinangako nya akin lang pero lahat nagbabago, lahat napapalitan, lahat din sa mundo sandaling kasiyahan lang.

Habang binabasa ko ang ilang linya sa liham ko, lahat ng pagkakataon kinilig, na inlove, nagmahal at umibig, lahat un nagbalik sa alaala ko. Ganito pala ang pakiramdam ng ulila sa pagmamahal, kung ganu ka tagal ang playback sa isipan ko ganun din ka lalim ang sakit na pinapadama sakin ng nakaraan.

Mashado bang mabilis ang panahon? Pero bakit ganun, sariwa pa rin ang sakit, kung ganu ka intense ung sakit ng pagkabigo ganun din ka sakit habang tumatagal ang pagbasa ko sa mga sulat.

Hindi magbabago yun, magpakailan man pasakit ...

No comments:

Post a Comment

PLEASE, DO DROP YOUR COMMENT, AND INDICATE YOUR NAME / EMAIL (facebook or yahoo messager) SO THAT I CAN MESSAGE YOU THANKS.