28 April 2012

Lipunan at Kabataan

Maraming problema ang mundo, kapa paimbulo dito ang napaka gulong lipunan. Lansangan, ito ang tawag ng nakararami, kung saan maraming iba’t ibang klaseng mukha ng reyalidad. Nakita nang marami ang bahid ng dungis, mga galos, at sugat, pasa at bugbog na bahagi nito. Ito ang  lipunan na ating tahanan, mashadong magulo, pero kailangang unawain. Lansangan nga ito kung tawagin, paraiso naman para sa mga musmos at walang malay na kabataan. 

Ika nga ni Pepe, “ang kabataan ang pag asa ng bayan”, nasusunod ba ito sa pangyayari ngayon, parang hindi kasi. Parang ang hirap maging pag asa ng kinabukasan kung namimilipit ang sikmura dahil walang makain, pagalagala sa kalye dahil walang lugar para matawag na tahanan, at napaka hirap talaga kung kahit sa pagbilang ng numero at mga letra ay hindi nila alam.

Wala na sa panahon ang pagsulat sa pamamagitan ng pluma at tinta ang laban ng kabataan. Hindi na din panahon para sa mga itak para ipanglaban. Anung ibig sabihin nito, hindi ko din alam. Bakit nga ba “ang kabataan ang pag asa ng bayan”? Bakit, hindi ko talaga alam.

Pero sana merong mga taong kayang magbigay ng edukasyon para sa mga maralitang kabataan. Matutunan lilang maisulat ang pangalan nila ang pinaka magandang sandata para pumirma. Matutunan nilang magbilang para hindi sila magulangan ng mapaglarong hamon ng buhay. Matutunan nila ang iba’t ibang klase ng kulay ng buhay. At higit sa lahat, matutunan nila kumilala ng Diyos, ito ang pinaka malakas na armas at sandatang kayang ipagkaloob sa kabataan, lalu na kung naghihirap ka nang maghirap.

Ilan sa mga pangarap ng kabataan ang maging hindi mahirap. Sana may aklat at kuwaderdo silang masusulatan. Sana maka akyat din sila sa entablado kung saan tatangap sila ng pinakamagandang parangal sa kanilang pagaaral. Siguro kaya, pakilusin lang ang mga braso at bisig, kasama ang isipan. Umpisahan sa pagaaral kung pano magbilang at mga letra ng alpabeto. Hanggang matutunang bumasa at sumulat, makapag basa ng katha o libro. Ito dapat ang gawain ng kabataan. Hindi tambay, hindi pagiging mangmang o walang alam. 

Kasi ngayon, mapagiiwanan ka ng malupet na mundo kung hindi mo kayang maintindihan ang turo at aral nito. Kadalasan nakaka takot ang katotohanan para sa kabataan natin ngayon.
Malabo ba, o baka ako lang ang naguguluhan.

Mahirap ka na nga, hindi ka pa magsusumikap. Kahit marahan lang, basta nasa progreso, basta umuusad. Ang karunungan at talino ng tao, hindi nagtatapos sa edad na kung ilang taon ka na nabubuhay sa mundo, o kung gaano ka kayagit sa edad. Hanggang buhay ka sa mundong ginagalawan mo, hinding hindi ka pa babayaan ng Diyos ama, ibibigay nya ang basbas para ma umpisahan paglaban ng kabataan sa kahirapan.
Ang ideyang meron tayong mas malaking lipunang ginagalawan. Malaking kasalanan kung hindi natin papansinin ung problema ng lipunan. Ambisyosong isipin, pero sa mga pagkakataon ngayon, sa nakikita natin. Kailangan nating maging ambisyoso. 

- Inspired by Carding of Pasig, Saturday 28th of April 2012.

18 April 2012

ANG PINAGDAANANG BUHAY (part 2)

sa labis na kapaguran, pinapantas ng panahon,
bigat ng kanyang dahinan, umaasang nawawalan

unos man ay paghupaan, maglulunoy pa rin sa tag ulan
yayakapin na lang ang kanyang kawalan
huwag na sanang takutin ng pagiisa

tanging maaalala sa bandang huli
mga mukhang naka tungo,
ibat ibang pangalang papalayo,
pag ibig na nawalang katuparan.

sa muli ang tanging maaalala,
mga larawang naglalaho,
ibat ibang pangarap nagtatago,
kanyang pag ibig na walang katuparan.

huli ang tangi maaalala,
kanyang pag ibig na nawalang katuparan,
kanyang pag ibig na walang katuparan.
sa mundo na iyong iiwanan.

ANG PINAGDAANANG BUHAY (part 1)

tayong gumising sa umaga ng walang kasama
walang naka abang, walang nag aantay.
nangungulila sa pagkaiisa

nilalaro sating isipan
mga daang ating binabagtas
mga pangarap na di na natupad
at napa bayaan nating mga bakas

niluluksong pang araw gabi
hinahakbang na pagod na namumutawi
naroon sila at naka masid
anino ng multo kahapon ay gilid

pakiki baka sa karimlan
hustisya sa sa atin ginagapang
panghihina ng inyong kamalayan
patuloy sa paglaban ng pinagmulan

06 April 2012

Sandata

Anu nga ba ang “Sandata”?

“Ewan, hindi ko alam. Napakarami nga siguro.”

Ito siguro ung mga tingga ng baril, talas at talim ng itak at granada at bomba. Siguro pwede rin tanke, eroplano pang gera, at barkong pang digma. At siguro naka mamatay. Pwede rin namang hindi naka mamatay. Basta may pinaparamdam at may pinapahiwatig, nakakapanakit sayo. Pwede ring may sinasabi, at pwede rin naman wala.

“Malabo ba?”

Basta lahat ng bagay na kayang maka panakit sayo. Sa kahit anong porma, sa sayaw, sa salita, kahit sa sulat at pag guhit. Ito ang literal na depenasyon ng salitang Sandata. Nilikha ang sandata para makapanakit, promotekta, dumipensa, gumanti, at kumitil.

“Sabihin na natin sa nakaka tawang paraan, kasi nga naman.”

Marami na kasing marunong humawak ng sandata, at saka pala abusado sa paggamit nito. Mas marami pa nga ang marunong sa maling paraan ng paggamit ng sandata, hindi na mabilang. At marami pang parating.

“Papaano nga ba mababago ng “Sandata” ang lipunan?”

Sandali nga, ang bigat naman ng tanong. Ang bigat ng letra, anu nga ulit ang tanong.

“Papaano ba mababago ng “Sandata” ang lipunan.”

Teka nga, isa isahin natin. “Sandata”, pwedeng Armas, mga gamit, salita, ekspresyon at iba pa na kayang maka sakit o maka panakit sa iba alinsunod sa paggamit nito. “Lipunan”, malaking pangkat ng tao na may sariling pananaw sa ugali, ideya at saluobin.

“Masakit ba sa ulo?”

Sabi nga nila, kayang magumpisa gera ang sandata, kayang kumitil at pagbuwisan ng buhay, kayang padanakin ang dugo mula sa kinakatayuan. Pero hindi nito kayang pumigil ng pagka gutom ng milyong kabataan, hindi nito kayang patigilin ang ikay ng maraming taong nagluluksa sa pagkawala ng mahal nila sa buhay, hindi din nito kayang pumigil ng umaabuso sa paghawak ng sandata. Mga taong naka may kakayahan maka panakit at masaktan.

Hindi baril, itak, bomba at granada, tangke, eroplano at barko ang pinaka malakas na sandata. Ito ay tinawatag na “Kapangyarihan”. KAPANGYARIHAN, ANG PINAKAMALAKAS NA SANDATA.