22 March 2012

“Wala” at “Walang Pakialam”

Wala” ang kunsepto ng “pagiging wala”, parang “wala” o “wala lang”.

Walang Pakialam” ito ang konsepto ng “pagiging walang alam sa pakialam”.

Ang paniniwalang hinding hindi mababago, un ay ang “Buhay at Kamatayan”. Natural na batas ng mundo ang Mabuhay para sa kadahilanan, kadahilanang pumili ng mga bagay na gagawing makabuluhan. At ang salitang Mamatay na napaka kongretong pangyayari, na ang reyalidad sa lahat ay nagtatapos.

Kapag Buhay ito ang makikita, walang pagkain sa hapag kainan; walang libro at pang matrikula sa paaralan; walang sapat na kaalaman ang mga guro para dahil sa kakulangan ng trainings at seminars; walang bagay na trabaho para sa mga hindi naka pagtapos at hindi naka pagaral; walang naiiwang matatalino at mga henyong tao, lahat nasa ibang bansa; walang permanenteng tirahan ang madaming kababayan natin, kaya napipilitang na lang gumawa ng hindi maganda para mabuhay lang; at maraming marami pa na mula sa kaibabawan hanggang sa kailaliman, andyan lang sila.

Kamatayan, lahat ng buhay na nilikha sa mundo ma uuwi sa kamatayan. Kaya siguro kung papanaw ka, siguraduhin mong maaalala ka sa paraang nabubuhay ka, hindi sa paraang patay ka na. sabi nga eh “isa lang ang buhay mo, kung mamamatay ka, mamatay ka sa paraang napaka ganda”. Lahat ng bagay sa mundo, may katapusan, kaya nga tinawag na “Katapusan” kasi “Tapos na” eh.

Anung ibig sabihin nito, simple lang, “WALA”, oh kaya pwede ring “WALANG PAKIALAM”. Maraming tao sa mundo; nabuhay; merong makain sa mesa, nagka edukasyon; nagka pera at yumaman, nalamanan ang utak, tumalino at henyo nga kung tutuusin; merong magandang bahay, maraming luho sa buhay: at iba pang mga sobra sa hinihingi ng pagkakataon para sa tinatawag na Buhay.

Eh sa Kamatayan, sigurado namatay nang “WALANG PAKIALAM”, mas malala sa pagiging "WALA". Nabuhay namatay nang walang pakialam.

Hindi masamang tumunganga, pero dapat may ginagawa ka hindi lang tunganga. Maraming problema ang mundo, at hinding hindi sulusyon ang pagtunganga sa magiging sagot nito. Hindi pulis, sundalo, artista, pulitiko, super heroes kung gusto mo ng pagbabago, siguro kailangan muna umpisahan sa SARILI mo.

05 March 2012

Payat! Taas!

Mabato at hindi sementado kalsada, makitid at makipot na daan, mga binatang imbes na sa iskwelahan makikita ay sa basket ball court naglalagi, mga kababaihang nasa lansangan ng bibilang ng bagong mukha magagawi kanilang lugar, mga magulang na kung hindi sa mag mag to “tongits” nahuhumaling ay mga amiga at amigo napapa kwento, halos halakhak at bungisngis ang maririnig.

“Teka nga. Bakit parang may kulang?”

“Nasaan ang mga kabataan?”


Sa katanhaliaang tapat ang oras ng dating ng truck para mag bagsak ng mga na kolektang “basura” galing iba’t ibang lugar ng Metro Manila. Mula sa init ng katanghalian, tirik na araw at nakakasunog na sikat ng araw, makikita ang mga kabataan sa “Tambakan ng Basurahan” na kung tawagin sa lugar nila ay “Pili”.

Sa loobang lugar ng Payatas, dito makikita ang Pili, literal na Pagpipilian para sa kanilang Pagkakakitaan at Pagkakabuhayan. Na mula sa kalayuan sa may tindahang aking kinatatapakan, ang Open-Area Basketball Court makikita ang ilang kabataan nagaabutan at nagaambagan ng pustang pera laban sa kabilang grupo. Takbong may kasamang paghangos, pawis mula sa tagisan ng pagkilos sa ilalim ng mainit na araw. Sandaling nabaling ang aking paningin sa kaliwang bahagi ng lugar sa munting barangay sa Payatas ay ang mga Teenager na kababaihan at binata akapin na ang Mobile Phones kaka pindot at kakatawag sa kahit hindi naman kakilalang tao. Muling napako aking paningin sa kanang bahagi ng Barangay kung saan meron Silid-Aralan (Akap Bata) para sa mga Munting Paslit Iba’t ibang sukat ng upuan, iba’t ibang kulay, iba’t ibang sukat, na halatang kinuha mula sa magkaka ibang bahagi ng kahoy para maka gawa ng silya para sa munting paslit. Walang school supplies, pang kulay, papel, meron naman libro pero halos wala nang mapagkapitan ng mga pahina nito dahil sa sobrang pag gamit ng nagsusumikap ng munting paslit.

“Payatas? Eh bakit? Nasaan ung Tambakan, ung “Pili”?”

Mausok, mabaho, maalinsangan, at mainit, ito ang pakiramdam nang mga oras na iyon. Mga munting paslit na namimili at naghahanap ng mga bagay na pwedeng mabenta sa mga “Junk” sa lugar. Nagkaroon ng munting paguusap sa pagitan naming at nga Caretaker ng “Pili”, wika nya “itong lugar na ito, hindi ito basurahan, tambakan ito. Tambakan kung saan pwedeng mamili ng pwedeng ipagpalit sa pera.”, sinabi din na “kesa mang hold-up at magnakaw kami, marangal pa ito kahit madumi”. Itong mga salita mula sa munting kabataan ng isang liblib na lugar sa Payatas.

“Eh anung gusto mong mangyari?”

Mangyari? Siguro nais ipakita ng kapaligiran na ang mundo sa kabilang parte nito, hindi ung maraming pera, may pagkain sa hapag-kainan, mga mamahaling gamit na ung iba ay walang pambili ng libro at makakain.

“Para saan ito? Wala. Wala para sa mga Walang Paki Alam.”