Penikulang Pilipino? Ito ang kumakatawan sa ating kamalayan, na ang Penikulang Pilipino ay komposisyon ng mabubuting tao, ibig sabihin mga Bida, at masasamang tao bilang Kontrabida sa mga tinatawag ng Action Films. Magandang simbulo ng dekada sisenta hanggang nubenta ang penikulang Pilipino. Pero nung pumasok ang taong dalawang libo, kinakapos na tayo sa mga action films.
Papaano kung walang kontrabida? Malamang na hindi mabubuo ang action film. Kung baga walang kanan kung walang kaliwa, walang dilim kung walang liwanag, wala ding Fernando Poe Jr. kung walang Paquito Diaz.
Ang konsepto ng penikulang Pilipino ay naka tatak na sa ating kamalayan. Teka nga, bakit nga ba importante ang kontrabida sa action film? Siguro dahil ang kalaban ang syang sumusulat sa ating landas, siguro kasi ang kaaway ang gumuguhit kasabay ng ating tadhana.
Ang pangalang Paquito Diaz ay simbulo ng pagiging kontrabida, ito ang naka tatak sa ating kaisipan. Siguro, naka tulong para kilalanin ng mga hindi kapanahunan mga kabataan ngayon si Paquito sa kanyang Bigote. Kita naman sa kanyang mga bigote ang kasamaang kayang mang api sa buong magpapamilya, ang bigoteng lumapastangan sa maraming kababaihan, ang bigoteng sumira sa napaka raming ari arian at kabahayan, ang bigoteng nagnakaw sa mga bangko, at ang bigoteng nagtraydor sa kaibigan. Dito kinilala ang husay at galing ng henyo, bilang kontrabida, kontrabidang katulad ni Paquito Diaz.
Ngayon puro drama, puro iyakan na lang, mga pantasya, komenday na tawanan, at mga noontime show. Kaya di siguro, ang mga bata ngayon lumalaking hmm, ewan ko ba. Di gaya ng penikula ni Paquito at FPJ, napaka linaw ng mensahe, madaling intindihin. May inaapi may naghihiganti, laging mayroong dapat ituwid and bida mula sa kontrabida, at sa huli laging nagtatagumpay ang mabuti sa kasamaan.
At para gawin ito ni Paquito Diaz sa loob ng dekada, sa magkakasunod na penikulang tumabo sa takilya. Ang salitang pwedeng ibigay ay “HENYO”. Patay na si Paquito Diza, pero kailanman ay hinding hindi sya mabubura sa ating kamalayan. Na marong nabuhay at namatay na Paquito Diaz, ang pang bansang kontrabida ng Pilipinas.
No comments:
Post a Comment
PLEASE, DO DROP YOUR COMMENT, AND INDICATE YOUR NAME / EMAIL (facebook or yahoo messager) SO THAT I CAN MESSAGE YOU THANKS.