14 November 2011

ALAK-dan (Happy Birthday November-Scorpio)

Ang alak kapag may ngamoy,
pwedeng naka inom, pwedeng lasing,
pwedeng din naman hindi.

Ang alak pwedeng kumakampay,
habang kasama ang mga tumatagay,
tunga na’y nag bigay tagumpay.

Kaluluwa ma’y walang direskyon,
Nawa’y di sana malasing sa panahon,
S’yang h’wag gawing kumpetisyon.

01 November 2011

Tatsulok

Maraming konseptong kayang mabuo sa salitang “tatsulok”, agham at teknolohiya, ideyolohiya, pang unawa at paniniwala, sanaka raan at maging sa kasalukuyang panahon, na kung saan ay hindi na bibigyang kasagutan ang napaka daming katanungan.

Mga sulat mula sa literature, mga akda ng mga nakaraang nobelista, mga manunulat na gamit ang lapis at papel, hanggang sa magpahangang ngayon itoy walang kinikilalang edad, sa kahit saan panahon. Tatsulok, maaaring sa punto ng mga gawa ng mga tao ay pumapatungkol ito sa kongretong paniniwala sa ibat ibang daing ng sambayanan, maaaring pag dating sa mga mambabasa ay nakukulangan sa kanilang pang unawa.

Literal na salita ang “tatsulok”, kung saan ideyolohiya nito ay kung saan ang mga mahihirap ay nasa ilalim at nasa taas naman ang iilang mayayaman. Mahihirap, sila ung mga taong naka kalat sa kalya, mga batang namamalimos, walang makain, may kadang na mga kapatid at tumatambay sa madaming taong nag aabang ng magbibigay ng limos, mga pamilyang kung saan saan naglalagi. Mayayaman, sila naman ay mga taong mayaman na nga, gusto pang yumaman, para bang pag nawala sila ay kaya nilang bilihin ang buhay at kaluluwa sa kabilang buhay, mga taong hindi kayang kilalanin ang salitang tutuong at bahaw, hindi nakaka kain ng iniinit na pagkain, na tanging ang pera, ari arian, bahay at lupa, bisyo at iba pang mga hindi kayang itawid sa kabilang buhay ang nasa palad.

Sa maka tuwid, ang salitang tatsulok ay nagpapakita ng di pagkaka pantay ng tao mula sa kanilang mga kagustuhan ka iba mula sa kanilang pangangailangan. Kaya nga magandang sulusyon sa tatsulok ay dapat baliktarin kung saan nasa taas ang maraming mayayaman at nasa ilalim ang iilang mahihirap. Ang tanong naman dito ay papaano, pa paano magiging ganun?

Maaaring kulang ang ating pang unawa sa ganitong kalagayan. Maaaring kulang din ang ating kaalaman sa magkaka ibang daing ng ating kalagayan. At para sa naka rarami ang tatsulok ay isang maling kaisipan.

18 August 2011

Makabagong Pamansang Simbulo ng Pilipinas

Sa mga naka raang panahon ay maraming binago ang mundo kasabay ng pag unlad at pag angat ng buhay ng tao ay kasabay din na bago ang mga naka raan simbulismo. Kasama dito ang mga pambansang simbulo ng Pilipinas.

Ang ating pambansang bayani na si Jose Rizal na sa karamihan ng mga Pilipino ay higit na kilala ang mga internasyonal na artista. Hindi nga natin alam bakit “National Hero” si Rizal, siguro kasi nagpabaril siya pero papaano si Andres Bonifacio. Si Andres Bonifacio ang “Ama ng Himagsikan” pero ngayon pwede na din ang “Pambansang Tambayan ng Mayayaman” dahil sa The Fort sa Taguig City kung saan makikita ang Serendra at High Street.

Ang ating pambansang himig na koposisyon ni Julian Felipe sa wikang espanyol na isinalin sa tagalong ni Jose Palma na kung tawagin ay “Lupang Hinirang” na kung minsan napagkakamalan pang “Bayang Magiliw” ang pamagat. Kelan ba natin na aalala ang lupang hinirang, kapag lunes ng umaga flag ceremony at biyernes ng hapon sa flag retreat. Siguro nga hindi na natin kabisado ang pinag buwisan ng buhay ng ating mga ninuno, kung saan ngayon maraming na uusong walang ka kwenta kwentang mga kanta tungkol sa mga bading, basura, kalaswaan at iba pang kahalay halay na mga salita na halos daig pa ang hindi nakapag aral at lasing.

Ang Baro’t Saya ay ang ating pambansang damit. Aminin man natin o hindi tuwing Buwan ng Wika lang natin na iisip ang mga ganitong bagay, na kung saan may nagtatalumpati, may nasasa dula at nagsasalita ng malalalim na tagalog. At aminin natin ang baro’t saya ay nasusuot lang pag naka burol kana at ililibing na.

Ang pambansang bansang hayop ay Kalabaw, pero sa pag baybay at pagsulat naman ay nagkakamali pa din parang “kalabao”. Saka kung may pambansang hayop, dapat may pambansang animal, pero dapat tao un at hindi na hayop. Kayo ng bahala kung sino ang pambansang animal para sa inyo.

Ang pambansang laro na kung tawagin ay Sipa pero bakit basketball, naging boxing, tapos soccer, at huli ay boating race ang pinaparangalan nating mga Pilipino. Kung papalitan ang pambansang laro siguro pwede pang tumbang preso, kadang kadang, taan tao, agawan base, at lahit lupa. Hwag lang ang pamalit sa pambansang laro ay “Laro sa Apoy”.

Ang pambansang sayaw naman ay hindi crimping at harlem, kundi Carinosa. Kung saan kitang kita ang pagiging maka bansa sa pamamagitan ng magiliw na sayaw. Mula sa kanilang kasuotan na kung tawagin ay Maria Clara sa babae at Barong naman sa lalaki. Na ngayon ay uso ang mala mahalay na damit para sa mga babae at pabor na mabastos sa mga kalalakihan.

Ang pambansang bahay naman ay ang Bahay Kubo, kung saan gawa sa pina tuyong mga parte ng puno ang materyales. May bintana kung saan para sa papasukin ang hangin at liwanag ng araw, magaan na pintuan, may ilang baitang na hagdanan. Wala naman pinagkaiba ngayon yan sa “Squatter Area”. Saka sila ang sentro ng atensyon ng mga pulitiko kasi ang squatter ang may pinakamalaking porsyento na bubuo ng pagkapanalo ng pulitiko. Anung kinalaman nito, wala lang.

Ang pambansang puno na Narra na siyang sumisimbulo ng katatagan ng mga Pilipino, na kahit ilang pang bagyo ang dumating, hindi ganung kadaling mabubuwag at tutumba. Siguro pwede na maging pambansang halaman na din na kung tawagin ay “Marijauna”, at siguro dapat meron na din pambansang gamot, pagpilian mo lang, ang “Boteng may Ugat” na makikita sa labas ng Quapo Church, o ang “Shabu” kung saan popular na kasalanan ng mga nasa kulungan at part time hobby naman sa selda.

Ang pambansang ulam naman na kung tawagin ay Letchon o ihihaw na baboy. Aminin man natin hindi kaya ng pilipinong dukha ang presyo ng letchon, kaya naghanap ng abot-kamay na pagkain, dati ay Galunggong, pero ngayon kahit simpleng tao hindi na kayang maka bili ng kahit tuyo o daing. Kaya na uso na ang pag dildil ng asin at iulam ang toyo sa kanin, dahil hirap na ang taong bayan. Kahit tubig may bayad na, pati na nga hangin pera na ang katapat. Dadating ang panahon baka pati buhay natin may halagang pera na.

Ang pambansang ibon naman ay ang Aguila, kung tawagin nga ng mga nakaka tanda ay Haribon o Haring Ibon. Pero bakit mas kilala ang mga tandang na manok kesa sa aguila, saan mo sila makikita, sa Patupara o Sabungan. Pinagpupusatahan hangang kamatayan ng kanilang mga alaga, pagpanalo may pera, syempre masaya si alaga, pag talo ginagawang tinola. Anung ginhawa kaya kapag ganun.

Ang pambansang prutas naman ay ang Mangga. Sa lagay ng taong bayan hindi nila kayang bumili nito sa panahon ngayon. Seasonal Fruit nga daw, pero kung bibili ka nito siguraduhin mo may pang gastos ka pa kinabukasan. Wala naman ispesyal sa mangga, kundi ang mataas nitong presyo, per kilos.

Ang pambansang bulaklak na Sampaguita, na kung saan ang pagiging puti ng kulay nito ay sumisimbulo ng pagiging puro at kalinisan. Sa lahat ng umiibig at gustong manuyo o man ligaw, pa alala, hindi lahat ng bulaklak pwedeng iabot sa iniirog. Pwera na lang kung nagtitipid o kuripot ka talaga. Pwede rin naman, kaka iba nga eh, sampaguita para sa iyong iniirog.

Ang pambansang dahon ay Anahaw, pero sa madaming adik ito ay Marijuana. Tama nga naman, palitan na ang anahaw, hindi mo naman alam kung bakit yan ang pambansang dahon. Palitan na ng marijuana, ang pambansang gamot ay droga, at ang pambansang dahon ay marijuana. May simbolismo na ang dahon para sa mga Pilipino. Galingan mo nga lang, kasi selda at kulungan ang kababagsakan mo pagnagkataon.

Ang pambansang isda ay hindi galunggong, hindi dilis, hindi tinapa o tuyo, ito ay ang Bangus. Hindi Shokoy o Serena, hindi rin balyena o pugita, tulad ng balita sa probinsya. At hindi ko din alam kung bakit ang Tilapya ay mas mura sa bangus.

Ang pinaka sikat na pambansang simbolo ng Pilipinas na kung tawagin ay Pambansang Problema ay ang Kahirapan. Subukan mong lumbas sa lunga at trono mo, tapos tignan mo ang paligid mo. Tapos tanung mo sa sarili mo kung anung pwede mong gawin para sa pambansang problema na kung tawagin ay kahirapan.

04 August 2011

Pinoy Siga

Papaano ba malalaman kung “Pilipino Siga”? Ang “Pinoy Siga” ay matatagpuaan sa ilang parte ng Pilipinas, isa sila sa mga delekadong tao sa buong mundo. Madaling makita kung sinong pinaka siga pagnag tabi lahat ng pinoy siga, lalu na sa inuman. Sa pamamagitan ng pagtingin kung sinong may pinaka malaking tiyan sa kanila, mas malaking tiyan, mas siga tignan. Hindi sila umiinom ng ibang alak kundi “beer” lang na may binasag na yelong pang pa lamig sa kanilang lalamunan, at ang tanging pulutan lang ay ang tinatawag na “kornik”. Sinabi din na mas sigang tignan kung dalawang bote ang hawak niya na sabay itong tutungain nang walang tapon o saying mula sa kanilang bibig. Dapat din na may nagmamasahe sa siga, dahil dito malalaman kung sino ang kayang utusan niya, madalas ang nagmamasahe din ang bumibili ng inumin at pulutan, at taga hatid sa siga kapag sila ay hindi na maka kilos. Basihan din sa pagiging siga ang tagal o habag ng oras na umiinom siya, mapa isa lang man siya o sa grupo ay kasama. Kung sakaling susunduin ng kanyang nanay o asawa, papauwiin lang nila ito, kung hindi man sisigawan lang sila ng mga pinoy siga. Mas siga tignan kung naka shorts lang, kung hindi naka sando, mas matapang tiganan kung wala kang suot na damit. Kayang umuwi ng bahay kahit madaling araw, wasak na wasak, at nasa bisyo pa maglakad.

Sa kultura ng Pilipino, hindi dapat mawala ang hilig sa musika. Mas may dating ang manginginom na hindi lang marunong, dapat magaling mag gitara at maganda ang boses. Sila ang mga tipong kung may videoke machine sa lugar ng kanilang inuman, sila ang mga siga na halos hindi bumibitaw sa mikropono at halos mapaos kahit hindi kagandahan ang kanilang boses.

Ang kultura kinalakihan ang mga manginginom, matapang nga ba kapag na kakapag hanap ng gulo o away? Tingin ko “hindi”, kasi kung matitigil ang pagiinuman niyo dahil sa trouble, hindi ka tatawaging tunay na Pilipino siga kung hindi ka tatagal sa inuman.

Pagdating sa kwentuhan, ang Pinoy Siga ay hinding hindi ma uubusan ng kwento, andito ang problema ng buhay nila, pamilya, kulang nap era pero pag dating sa inuman meron naman mailalabas, at mga babae, pero mas siga kang tignan kung “hindi ka makaka bastos” nang kahit sinong babae, naging masama man sila or mabuti.

Pinoy Siga! Dito lang sa Pilipinas. Come and visit us.

27 July 2011

History: Kababaihan

Dati, ang hirap sa babae ang mag aral. Siguro dahil hindi sila na bigyan pagkakataon noon na makapag aral. Kasi daw sabi ng matatanda ay “mag aasawa” lang daw at “mag aalaga ng bata”, tapos “pang bahay” lang.

Anu ba meron ang kababaihan na meron nuon magpahangang ngayon, “mahinhin?”, oo nga naman, magpa hangang ngayon ang pagiging mahinhin ng Filipina ay simbulo ng pagiging mahinhin.

Dati, ang mga pilipina ay pantay pantay bago dumating ang mga kastila. Kaya nilang gawin ang mga kayang gawin ng mga lalaki. Noon, sa mga sinaunang tribo at mga kabundukan, ang mga kababaihan lang ang pinapayagan na pamunuan ang mga ritwal, at kung gagawin naman ng lalaki ang ritwal na ginagawa ng babae, kailangan niyang isuot ang damit ng babae par makapag ritwal. At nung dumating ang mga kastila, nagtaka sila kung bakit napaka laya ng kababaihan dito sa Pilipinas. Kayang mangabayo, pumupunta sa magagarang okasyon, kayang magmana ng ari arian at lupain, kayang pumirma ng kontrata at mga papeles, nakikipag kalakal sa mga intsik, na sa isip ng mga kastila ay hindi dapat gawin ng mga babae.

Kaya nang dumating ang mga kastila sa Pilipinas, ay mabilis nilang binago ang mga mga kinasanayan ng mga kababaihan. Kaya na buo ang salitang “Maria Clara”, ung mahihinhin, hindi nagsasalita, ung hindi nakikipag laban. Si “Maria Clara” ay tinaguriang “Inang Pilipinas”, dahil sa kanyang katangiang sumisimbulo sa pagiging mahinhin at pinong pag kilos ng na tatanging dalagang pilipina.

Kaya nang nagsimula ang himagsikan, hindi lang mga kalalakihan ang lumaban, maging ang mga kababaihan din, na minsan pa nga ang kababaihan ay siya pang namumuno sa batalyong pandigma ng Pilipinas.


15 April 2011

History: Pilipino Names

Ito ang tanong, “Purong Pilipino ka nga ba?”. Teka ah, sa pagkakaalam ko, ang Pilipinas ay sinakop ng Espanya, pinamunuan at nagtagal ng higit sa tatlong daang taon.

Ang Espanya ay may malaking impluwensya pagdating sa apilyedo ng mga Pilipino, mga natural na apilyedong galing sa Espanya tulad ng Villafuerte, Evangelista, Javier at Rivera. Ito ang ginagamit ng madaming Filipino-Spanish dito sa Pilipinas.

Ang “don” at “doña” ay ginamit ng ilang Pilipino at kahit hindi sila nagmula sa Espanya ay pinakilala nila sa atin, halintulad din sa “sir” at “madaam”, pangmayamang pangalan at apilyedo.

Kung sa pangalan naman, ang Alfonso, Felipe at Ignacio ay ilan sa mga karakter ng mga Telenovela (teleserye, teledrama, fantaserye, telepantaserye at iba pa) na sikat at pinapanuod mapa umaga man, tanghali, hapon, gabi, at madaling araw.

Sa Espanya din nangaling ang mga pangalang may “de” sa unahan ng kanilang apelyedo ka tulad ng de Jesus at de Dios, at “de los” naman tulad ng de los Santos at de los Reyes. Ang pangalang may “y” tulad ng buong pangalan ni ating pang bansang bayani na si Jose Protasio Rizal Mercado y Alfonso Realonda (Jose Rizal), at Ysagani (Isagani) si Ybarra (Ibarra). Ginawang karagdagan at dekorasyo sa kanilang pangalan.

Ang mga apelyidong may “San” tulad ng San Agustin, San Francisco, at San Gabriel, at ang “Santa” na Santa Ana, Santa Cruz at Santa Maria, o ang “Santo” tulad ng Santo Tomas, Santo Domingo o simpleng Santos, “San” at “Santo” na parang kasama na nila sa kanilang buhay ang mga poon, santo at santa, o ang ma sakramentong pangalan.

Ang pangalang tulad ng Concepcion (conception), Purificacion (purification), Efipanio o Efipania (epiphany) at Ressureccion (resurrection) ay pinangalingan ay English na sinalin sa bigkas at salitang pang Espanya.

Ang mga pangalang tulad ng Daquila (dakila), Magsaysay (magsalaysay), Malaqui (malaki), Dimatulac (hindi matulak), Panganiban (mapanganib o delekado), Maliuanag (maliwanag), at Ycasiam (ika siyam). Ito ang ginamit ng mga tagalog nang nagkaroon na sila ng dugong banyaga kung saan andito na ang konsepto ng hindi kami mababang klase ng tao, o kung tawagin ay “Indyo”.

Nakakapag taka bang may marinig kang apelyidong katulad ng Gajasa (gahasa), Bacla (bakla), Otot (utot), Ongoy (unggoy), Jalimao (halimaw), Yyac (iyak). Ilan lang ito sa mga apelyidong na bago noon, at dahil nasa ilalim tayo ng pamumuno ng Espanya ay pati ang ating mga apelyedo ay na palitan.

Dahil sa mga Peninsulares (dayuhang Espanya pinanganak) at Insulares (dayuhang Espanya na sa Pilipinas ipinanganak) ang matataas ng uri ng tao noon, ang mga Pilipino naman na kung tawagin ay Indyo (pinakamababang uri ng tao). Dahil na bago na ang pangalan ng sina unang Pilipino. Sa paraan na ito pa lang ay ipinakita ng mga dayuhang Espanya ang hindi magandang pagtrato sa mga Pilipino na kinakailangang pakilaman ang kanilang mga pangalan at apelyido. At dahil may lahing kung tawagin ay “Indyo”, ay napag laruan ng mga dayuhan palitan ang kanilang mga pangalan sa hindi magandang pakingan, at siguro dahil na din na sanay ang mga Pilipinong maging api ay pati ating mga pangalan ay na bago sa paraang maaalala sila sa kanilang pahanon ng pamumuno.

04 April 2011

Paquito Diaz

Penikulang Pilipino? Ito ang kumakatawan sa ating kamalayan, na ang Penikulang Pilipino ay komposisyon ng mabubuting tao, ibig sabihin mga Bida, at masasamang tao bilang Kontrabida sa mga tinatawag ng Action Films. Magandang simbulo ng dekada sisenta hanggang nubenta ang penikulang Pilipino. Pero nung pumasok ang taong dalawang libo, kinakapos na tayo sa mga action films.

Papaano kung walang kontrabida? Malamang na hindi mabubuo ang action film. Kung baga walang kanan kung walang kaliwa, walang dilim kung walang liwanag, wala ding Fernando Poe Jr. kung walang Paquito Diaz.

Ang konsepto ng penikulang Pilipino ay naka tatak na sa ating kamalayan. Teka nga, bakit nga ba importante ang kontrabida sa action film? Siguro dahil ang kalaban ang syang sumusulat sa ating landas, siguro kasi ang kaaway ang gumuguhit kasabay ng ating tadhana.

Ang pangalang Paquito Diaz ay simbulo ng pagiging kontrabida, ito ang naka tatak sa ating kaisipan. Siguro, naka tulong para kilalanin ng mga hindi kapanahunan mga kabataan ngayon si Paquito sa kanyang Bigote. Kita naman sa kanyang mga bigote ang kasamaang kayang mang api sa buong magpapamilya, ang bigoteng lumapastangan sa maraming kababaihan, ang bigoteng sumira sa napaka raming ari arian at kabahayan, ang bigoteng nagnakaw sa mga bangko, at ang bigoteng nagtraydor sa kaibigan. Dito kinilala ang husay at galing ng henyo, bilang kontrabida, kontrabidang katulad ni Paquito Diaz.

Ngayon puro drama, puro iyakan na lang, mga pantasya, komenday na tawanan, at mga noontime show. Kaya di siguro, ang mga bata ngayon lumalaking hmm, ewan ko ba. Di gaya ng penikula ni Paquito at FPJ, napaka linaw ng mensahe, madaling intindihin. May inaapi may naghihiganti, laging mayroong dapat ituwid and bida mula sa kontrabida, at sa huli laging nagtatagumpay ang mabuti sa kasamaan.

At para gawin ito ni Paquito Diaz sa loob ng dekada, sa magkakasunod na penikulang tumabo sa takilya. Ang salitang pwedeng ibigay ay “HENYO”. Patay na si Paquito Diza, pero kailanman ay hinding hindi sya mabubura sa ating kamalayan. Na marong nabuhay at namatay na Paquito Diaz, ang pang bansang kontrabida ng Pilipinas.