11 June 2009

Ika 111th Kalayanaan ng Pilipinas

Ika 12 ng Hunyo, taong 1898, nang ipahayag ni Heneral Emilio Aguinaldo ang kalayaan ng Pilipinas laban sa Espanya. Ung nasa Limang Pisong paper bill, ung kulay Green, ung di na pwdeng ibile sa tindahan.
Sa araw din yun, unang kinanta ang Philippine National Anthem. Lupang Hinirang, likha ni Julian Felipe.
Bayang magiliw,
Perlas ng Silanganan,
Alab ng puso, Sa dibdib mo'y buhay.
Lupang Hinirang,
Duyan ka ng magiting,
Sa manlulupig,
'Di ka pasisiil.
Sa dagat at bundok,
Sa simoy at sa langit mong bughaw,
May dilag ang tula
At awit sa paglayang minamahal.
Ang kislap ng watawat mo'y
Tagumpay na nagniningning,
Ang bituin at araw niya
Kailan pa ma'y di magdidilim.
Lupa ng araw, ng luwalhati't pagsinta,
Buhay ay langit sa piling mo;
Aming ligaya, na 'pag may mang-aapi
Ang mamatay nang dahil sa iyo.

Ika 3 ng Septembre taong 1899, nilikha ni Jose Palma ang Filipinas na salin sa salitang Espanyol.
Tierra adorada
Hija del sol de Oriente,
Su fuego ardiente en ti latiendo esta.
¡Patria de amores!
Del heroismo cuna,
Los invasores
No te hallarán jamás.
En tu azul cielo, en tus auras,
En tus montes y en tu mar
Esplende y late el poema
De tu amada libertad.
Tu pabellón, que en las lides
La victoria iluminó,
No vera nunca apagados
Sus estrellas y su sol.
Tierra de dichas, del sol y de amores,
En tu regazo dulce es vivir.
Es una gloria para tus hijos,
Cuando te ofenden, por ti morir.

Ika 5 ng Disyembre taong 1938, sinalin sa English ang Lupang Hinirang ni Julian Felipe. Beloved Country, gawa nila Camilo Osias at Mary Lane.
Land of the morning,
Child of the sun returning,
With fervor burning,
Thee do our souls adore.
Land dear and holy,
Cradle of noble heroes,
Ne'er shall invaders
Trample thy sacred shore.
Ever within thy skies and through thy clouds
And o'er thy hills and sea,
Do we behold the radiance, feel and throb,
Of glorious liberty.
Thy banner, dear to all our hearts,
Its sun and stars alight,
O never shall its shining field
Be dimmed by tyrant's might!
Beautiful land of love,
O land of light,
In thine embrace 'tis rapture to lie,
But it is glory ever, when thou art wronged,
For us, thy sons to suffer and die.

Hmm? Naghirap na din ang National Anthem ng Pilipinas sa mga nagdaang panahon. Nabahiran na ng ilang dekadang pakikipaglaban kasama ang mga Pilipinong nagbuwis ng buhay, nagdilig ng dugo sa lupa, at kinamatayan ng nakararaming nasyonalista.
Naghihirap ang ating lupang tinubuan. Na abo na ba ang pinaglaban nila Diego at Gabriella Silang, paano ang simbolong itak ni Andres Bonifacio, ang mga gawa at pluming ginamit ng Jose Rizal sa kanyang mga akda, mga pininta ni Juan Luna. Hmm? Na umpisahan na ba natin, oh kailngan na lang nating ipagpatuloy kung anung meron na sa umpisa.
Bayan Ko by Jose Corazon de Jesus
… ibon mang may layang lumipad, kulungin mo at umiiyak
bayan pa kayang sakdal dilag, ang di magnasang makaalpas!
pilipinas kong minumutya, pugad ng luha ko't dalita
aking adhika, makita kang sakdal laya…
Nuon pa man, pangarap na ng ating bayan na maka alis sa pagkakaposas ng mga mananakop. Espanya, Amerika, Japan, iilan lang itong nagkulong satin sa matagal na pagkakahimlay. Halos ito ang climax ng pinakamagandang history ng Pilipinas. Hawak ng mananakop ang bawat Pilipino, bawal ito bawal yun.
Hangang ngayon naman eh, malaya na tayo sa mga mapang aping lahi pero bakit pinamumunuan pa tayo na higit pa sa mga mananakop. Sariling Pilipino hawak ang kapwa Pilipino sa leeg, naghihikaos para sa malayang tao at kapirasong pangarap. Anong gagawin ng ibon sa gintong hawla kung ang pintuan naman nito ay di nya kayang buksan. Mainam na ordinaryong pugad lang kung malaya naman naka kalipad ang ibon.
Isang Lahi by Regine Velasquez
Sundan mo nang tanaw ang buhay
Mundo ay punan mo ng saya't gawing makulay
Iisa lang ang ating lahi
Iisa lang ang ating lipi
Bakit di pagmamahal ang ialay mo
Pang-unawang tunay ang siyang nais ko
Ang pag-damay sa kapwa`y nandiyan
sa palad mo
Anu nga bang magagawa ng isang tao, hmm? Siguro uumpisahan lang nya ang isa para maging dalawa, tatlo, oh higit pa sa ilan para magtulong tulong. Umunawa sa kahalagahan ng magandang buhay sa daigdig. Sabihin na nating iisa ka lang at ang isang lahi at lipi. Bigyan mo ng pagmamahal, isabog at ialay, punuin ang kaligayahan. Lahat naguumpisa sa isa, andyan lang. Nasa palad mo.

Panatang Makabayan (Original Version)
Iniibig ko ang Pilipinas
Ito ang aking lupang sinilangan
Ito ang tahanan ng aking lahi
Ako'y kanyang kinukupkop at tinutulungan
Upang maging malakas, maligaya at kapakipakinabang
Bilang ganti, diringgin ko ang payo ng aking mga magulang
Susundin ko ang mga tuntunin ng aking paaralan
Tutuparin ko ang mga tungkulin ng isang mamamayang makabayan at masunurin sa batas
Paglilingkuran ko ang aking bayan nang walang pag-iimbot at ng buong katapatan
Sisikapin kong maging isang tunay na Pilipino sa isip, sa salita, at sa gawa.
Isang panunumpa ng bawat mamamayang Pilipino, isang panata para ipakita responsible ka sa mga mangyayari at nangyayari sa bayan mo.

2 comments:

  1. Pede pong magtanong? kailan po naghirap si Juan Delacruz? o pinahirapan ng mga dayuhan?
    _marc

    ReplyDelete
  2. .. actually? keln? hmm.. d q dn alm eh.. ung momment n nbigyn tau ng krptan pra i violate.. un un.. kc qng mang mang k db, anung mli s mta m.. qng my alm k, alm m ung tma s mli..
    _blog_owner..

    ReplyDelete

PLEASE, DO DROP YOUR COMMENT, AND INDICATE YOUR NAME / EMAIL (facebook or yahoo messager) SO THAT I CAN MESSAGE YOU THANKS.