20 April 2009

Despair and Hope..

paggising mo sa isang umaga
walang kasama naka abang
walang kaibigan naghihintay
nangungulila ka sayong pagiisa

naglalaro sayong isipan tanging daang binabagtas
pinabayaan mga bakas
isang pangarap na di matutupad

at ang bango sa lansangan
naron sila nagmamasid
mga aninong naka sunod
mga mulso ng yong kahapon

at kikibaka ka sa araw araw
gumagapang sa karimlan
lumalaban sa tagulan
ang tanghiran ng yong kamalayan

sa pagdating ng labis na kapaguran
ninunulod ng panahon
umaasa kang mawawala
ang bigat ng yong mga dalahin

sanay humupa rin ang unos
mag lunoy ka sa tag ulan
yakapin mo ang kawalan
hwag kng matakot sayong pagiisa

at sa huli ang tangi mong ma aalala
isang mukhang nakatungo
isang pangalang papalayo
isang pagibig na walang katuparan

at sa huli ang tangi mong ma aalala
isang larawang naglalaho
isang pangalang papalayo
isang pagibig na walang katuparan

at sa huli ang tangi mong ma aalala
mga pangalan papalayo
mga anino maglalaho
sa isang mundo iyong iniwanan

No comments:

Post a Comment

PLEASE, DO DROP YOUR COMMENT, AND INDICATE YOUR NAME / EMAIL (facebook or yahoo messager) SO THAT I CAN MESSAGE YOU THANKS.