Muli akong babangon sa hinaharap. Muli akong sumulat. Asan nga ba ako sa inyo? Nakahimlay na ba ang dating pinaglaban ko matapos pumasok ang bala habang nakatalikod ako. Habang buhay ba nila akong kinalimutan. At tanging buhay at pagkamatay lang ako sumasagi sa kanilang isipan. Bakit ganun? Pilit kong binago ang pagpapatakbo ng mapangaping lahi noon. Pero bakit ganito? Dapat ba di na ako nagpabaril ng nakatalikod? Dapat ba tumakas na lang ako sa malamig na rehas, at palipat-lipat na kulungan? Asan na ako sa inyo?
Sa maalikabok na lalagyan ng libro kasama ng agiw at alikabok?
… ang “Touch Me Not” at “The Subversive”.
Andon na lang ba sa kung saan ang mga tingin ng mga tao ay kailangan ng bayad?
… nagbabayad para sa paintings, sketches at maps na para sa Pilipino.
Nasa silid-aklatan na lang, nagaabang ng taong babasa sakin?
… references and information, no need for explanation.
Baka katabi ko na sa ataol ang konsepto nasa gawa ko. Di ko lang napapansin.
… talagang pinanundugan ang “Huling Paalam” sa maling pagunawa.
Sino ba ako? Ano ba talaga ako? Ano pa ba ang ginagawa ko dito. Kailangan ko pa bang gumawa ng isa pang “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo” para sa makabagong Pilipino ngayon. O kailangan kong gumawa ng isa pang “Mi Ultimo Adios” para sa tulog na Pilipinas.
Umalis ako sa Pilipinas noon. Nagaral at nagpakadalubhasa sa iba’t ibang larangan. Nagging propesor, naging guro. At nagturo ng iba’t ibang kaisipan sa aking istudyante. Nakulong at nabilango sa mahabang panahon. Tumayo sa gitna ng kamatayan. Barilin. Inilibing noon, at ninilibing muli ng kasalukuyan. Ngayon nasaan mo ako nilibing. Nais lang hilingin, na sana sa aking pagbalik h’wag na akong ilagay sa bulsa ng bawat Pilipino.
No comments:
Post a Comment
PLEASE, DO DROP YOUR COMMENT, AND INDICATE YOUR NAME / EMAIL (facebook or yahoo messager) SO THAT I CAN MESSAGE YOU THANKS.