… Hmmm… Minsan na papaisip ako, bakit ba ganito, anu bang mali. Ung tipong humarap na sa bala para idilig ang dugo sa lupa. Ung nagkaroon ng alamat ang historya ng mundo sa nagawa. Ung patay na nga, puro pa rin kritesismo. Teka nga, anu bang narrating mo?
Dimas-Alang – Naway ipatuloy yaring naumpisahan. Bilang repormista, akda at panula ang aking sandata. Bilang rebolusyonaryo. Bilang imahe sa darating na kasalukuyang panahon
Laong-Laan – Tama… La Solidaridad at La Liga Filipina. Kontrata ko ang pang unawa, armas ko ay gagawing pagbabago.
Pepe: Kapirasong sandalyas, aking isinunod sa inalod na kabilang pares sa ilog.
Jo: Retraction Paper is fake.
Jose Rizal: Ako si Rizal.
Ung minsan bang napa patanong pero ‘di mo alam kung ano, pagpikit na lang ang sagot sa mga tanong na hinahanapan pa din . Ganito na lang ba, alipin ng ka mangmangan.
EHHH!!!
… Ahh… Jose Rizal… “Sino nga ba sya?”,at “Ano nga ba sya?”. Mahirap sagutin ‘di ba. Di tulad ng recitations ng professors, pag hindi mo alam ang isasagot mo, pwdeng pang default answer ang ngiti. Understood na iyon, hindi mo alam ang sagot. Consequence, nakatayo ka habang nagkla-klase ang teacher mo.
Sobrang mapaglaro ang isip ng tao. Akalain mo patay na nga, marami pang gustong buhayin ang walang katuturang katanungan. Nagbuwis na nga ng buhay, inasampal pa ng kontrobersya.
Issue: Akalain mo. Kahibangan nang isipin ng tao na anak ni Jose Rizal si Adolf Hitler. Isa pa, anak naman ni Lao Tze si Jose Rizal. Ahh, ‘di ko maisip kung bakit si Jose Rizal at Jack The Ripper of London ay iisa.
“HOW IS YOU?”
Nung namatay ba si Jose Rizal, may na sagot ba syang mga tanong, kontrobersya ba. Ahh? Alam ba nya bago pagkatapos bawian ng buhay eh magiging pambansang bayani sya. Baka un ang sagot sa tanong na kung sino nga si Rizal. Eh paano kung si Jose Rizal ang sasagot sa tanong:
Istudyante: Sino ka ba?
Pepe: Pepe, Senior Pepe ang ngalan..
Istudyante: Ha??? Sino nga ba si Pepe?
Pepe: Mamamatay akong 'di nakikita ang ningning ng bukang-liwayway. Kayong makakakita, salubungin ninyo siya at huwag kalilimutan ang nangabulid sa dilim ng gabi.
Istudyante: Ahhh… Teka nga, sino ba si Pepe?
Pepe: … (ngiti lang ang sinagot)
Jose Rizal, bayani daw. Itanong mo sa nakararami kung bakit si Rizal ang ginawang pambansang bayani ng pilipinas.
Director: Ikaw Pepe. Kung isasa-pelikula ang buhay nyo. Sinong gusto mong gumanap?
Pepe: Ni minsan di ko na isip na makilala sa mundo. Maisulat at pagaralan sa iba’t ibang libro. Ang mahihiling lang ay isang maayos na libingan na may na ka lagay na bato sa ibabaw. Naka ukit ang pangalan, kapanganakan at kamatayan.
Director: Ano???
Ganito ang nangyayari kay Rizal. Nagpabaril na nga sa Luneta, sa kapwa Pilipino pa. Isang bala ang tumapos sa buhay ng Bayani. Iskuwadrong galing pa sa pilipinas. Syempre, ikaw ba naman tutukan ng baril ng mga kastila sa likod. Kung hindi ka papatay, ikaw ang mamamatay.
Pepe: Idinilig ko ang dugo sa lupang pangarap makamtan. Binuro ang sarili sa malamig na pihitan, pluma, papel at lampara ang sandata. Inubos ko ang oras sa pagaaral. Ginawa ko ang lahat para mabago ang hinaharap.
“AFTER 100 YEARS…”
Pepe: Ito ba’y panaginip. Daig pa ng walang pinagaralan ang karamihan ng aking napupuna. Anu kaya kung mabago ang nangyari nuon at iba ang kalabasan ngayon. Tignan natin:
1. Ang Noli at El Fili, dapat ginawa na lang comics. At least my mga picture, hindi mababagot ang mambabasa.
2. Mi Ultimo Adios??? Dapat suicide note, or maybe Farwell Letter na lang. Di naman kayang unawain ng nakararami ang konsepto at pagpapahalaga sa aking pinaghirapan.
3. Sa Aking Mga Kabata? Gawin na lang talam-buhay ni Rizal. Gayun pa man, ginawan natin ng diary and buhay ni Rizal.
4. Malamang hindi Piso coin ang lugar ng imahe. Baka 1,000 peso bill kasama ng mga sikat na artista at singer. Pwede din ang mga pulitikong magaling mangako.
5. La Solidaridad at La Liga Filipina? Ipapangalan na lang sa beerhouse or resto para madaling sumikat. Parang entrepreneurial technique ng pag-a-advertise.
6. Marunong bang uminom ng alak at manigarilyo si Rizal? Totoo bang sa patay-sinding lugar nya na kilala si Bracken, na table nya ba si Bracken?
NGEEE!!!
San Pedro: Anung kinamatay mo?
Rizal: Ang buhay ko’y tinapatan ng ligaw nab ala.
San Pedro: Talaga? Bat’ sabi sa record mo firing squad?
Rizal: … (No Comment)
San Pedro: Pinaglaban mo ang paninindigan bilang Pilipino, di ba?
Rizal: Nagbigkis ang dignidad at prinsipyo.
San Pedro: Ahhh… Nagpabaril ka dahil sa bayan mo?
Rizal: … (Napapailing na lang)
San Pedro: Darating ang araw, lilisanin ng mga mapang-aping lahi ang bansang inalipusta at nilait ng karamihan dayuhan.
Bonifacio: Didilig ang dugo ng mapang-aping lahi!!!
San Pedro: ??? (Sino ka?)
Rizal: …
LOVE INTEREST…
Segunda Katigbak – Unang pagibig ni Rizal. Ikaw ba, malaman mo engaged na sya sa iba, manliligaw ka pa ba. Sa Chess, first move pa lang checkmate ka na.
Leonor Rivera – Mama’s girl. Pakilamera kasi ang nanay nya. Ikaw ba naman laitin, tawagin filibustero (freebooter/pirates), di ba masakit un. Nanay nya pa din ang pumili ng mapangangasawa ni Leonor. Mas gwapo pa kaya un kay Rizal? Oh mas ma-pera?
Consuelo Ortiga – Insperasyon ni Rizal sa mga sulatin. Nagparaya si Rizal, hindi sya ang napang-asawa ni Consuelo.
O Sei San – The Japanese Looking Girl. Nagturo ng Japanese painting kay Rizal, ang “Su-mie”. At simpleng Japanese language accent. Di siguro naging nasyonalista si Rizal kung napang-asawa nya ito.
Gertrude Beckett – Tulad ni Leonor Valenzuela, dumating ang araw papuntang London si Rizal. Ayun, iniwan nya na naman.
Nellie Boustead – Rivalry ni Rizal. Dito na kita ni Rizal na lasing na lasing si Juan Luna. At dahil sa kalasingan nag-hamon ng duwelo (unos ba suntukan nun?). Ayun, nang mahimasmasan si Luna, nakipag-areglo na lang.
Suzanne Jacoby – Nag-board si Rizal sa Europe para sa pag-aaral. Ilang araw pa lang ang lumipas, nagkahulugan sila ng loob ni Jacoby. Tulad nila Leonor Valenzuela and Gertrude Beckett, nilisan din ni Rizal and Europe papuntang Madrid.
Josephine Bracken – Kung baga default choices na si Bracken. Sa kalungkutan ni Rizal naka hanap sya ng pagibig kay Bracken. Naging kwesyonable pa nga si Bracken, akala ni Sister ni Rizal padala padala si Bracken ng taga-Espanya. Si Padre Antonio Obach ang nakipag-kasundo kay Rizal. Ikakasal si Bracken at Rizal, kapalit ng Retraction Paper. Gayun pa man, di natuloy ang kasal. Nagka-anak naman sila, di nga lang nabuhay ang bata.
well...hahaha kh8 pa2ano maganda...job well done.. -jose rizal(pepe)-
ReplyDeleteastig:)
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDelete