Sabi ng
nakararaming paniniwala. Ang kahiligan ng mga kabataan sa panunuod ng
telebisyon ay hindi nangangahulugang wala silang interes sa pagbabasa ng aklat.
Ung mga Filipino
na mahilig manuod ng telebisyon ay gusto ding magbasa ng mga aklat na walang
kinalaman sa kanilang pag-aaral, ung hindi inutos ng kanilang mga professor at
teacher, ung sapilitang pababasahin at pagagawin ng book report o review
analysis.
Telebisyon at
radyo, newspapers at magazines, video files, window shopping sa mall, social
media at internet, computer games, atbp., buong akala ay ito ang dahilan kung
bakit nahilig ang mga tao sa pagbabasa sa walang kinalaman sa kanilang
pag-aaral.
Sa internet palang
marami nang distractions—social media sites; facebook, twitter, instaram, atbp.
Walang matibay na patunay na internet ang dahilan ng pagbaba ng bilang ng mga
mambabasa. Kung tutuusin nga ang mga internet users o netizens pa ang pa ang mga
mambabasa, hindi nga lang mala textbooks o modules na ginagamit sa iskuwelahan.
Mas mataas ang
proporsyon ng nagbabasa ng libro na walang kinalaman sa kanilang pag-aaral
kumpara sa ipinababasa o ginagamit nila sa kanilang iskuwelahan. At nag-uumpisa
ito sa edad na 15 hanggang 17. Nag-uumpisa na silang magbasa habang bata
palang.