26 March 2013

Semana Santa

Semana Santa; holy week—Linggo ng Palaspas, Lunes Santo, Martes Santo, Miyerkules Santo, Huwebes Santo, Biyernes Santo, Sabado de Gloria, at Linggo ng Pagkabuhay.

Iba na talaga ang sitwasyon ngayon. Ngayon, itong bagong henerasyon, ilan lang ang panuorin sa telebisyon, nung wala pang cable channels. Kundi patungkol sa pagpapako sa krus ni Hesu Kristo, block o static lang ang makikita mo. Sa mga noontime shows naman puro Lenten special, ung mga nagdra-drama na sila mismo mga cast ang gumanap sa istorya. Ilang mga nagmimisa. At kung suswertihin ka, Jesus Christ Superstar, musical na patungkol kay Hesu Kristo. Pag lumabas ka, iba’t ibang tinig mula sa klasikal na pagbasa ng pabasa. Sa radyo naman, may ilan na nagba-black lang talaga at ung iba may ispirituwal na tugtugin sa ere. Ngayon, parang wala na.

Ngayon, imbis na magnilay nilay ay makikita mo sa mga tugs tugs tugs na lugar tulad ng Boracay. Ang alay-lakad ay ginagawang aliwan nalang, picture dito, picture doon, tapos ipo-post sa mga social media sites. Magbi-visita iglesia uunahin pa ibang bagay tulag ng pag-login sa twitter at facebook account. Ang pabasa, nagbabago na, at darating ang panahon na magiging rap na ang paraan ng pagbasa nito. Nawawala na ang solemnity.

Nagbago na ang mundo; modernong mundo at makabagong teknolohiya. Kelan ba tayo nasanay sa ganitong klaseng pamumuhay. Para tayong mamamatay pag hindi tayo nakapag-online sa social media accounts; magmula sa na-upload na instagram picture, hanggang sa pagpo-post sa facebook na kung anong ginawa mo kanina, kung anong kinain mo, at mga tanong na pwede naman sagutin ni google, at sa pag-retwitt sa post ng iba. Parang ikamamatay natin kung wala tayong followers sa twitter. Parang hindi tayo makakahinga kung wala magla-like sa bagong post n mamahaling pagkain. Parang kumikita tayo sa mga repost at retwitt ng ibang account. Ulitin natin, nawawala na ang solemnity sa panahon naghihirap ang Diyos.

Bukod sa pag-alala sa Diyos ng sanlibutan, ang paghihirap na isinakripisyo ang sariling buhay para sa mga kasalanang sangkatauhan. Ang kabuohan ng Lenten Season ay ang pagninilay-nilay; kapayapaan ng isipan, katahimikan ng kalooban. Maluwag an depenisyon sa salitang ispiritwalidad. Kaya kundi man tayo relihiyoso—kahit sa katahimikan lang—dalaw dalawin natin ang pinakamalaking istranghero sa ating buhay, “ang ating sarili”.

No comments:

Post a Comment

PLEASE, DO DROP YOUR COMMENT, AND INDICATE YOUR NAME / EMAIL (facebook or yahoo messager) SO THAT I CAN MESSAGE YOU THANKS.