31 March 2013

Judas Iscariot

JUDAS ISCARIOT
  •  Sabi sa bibliya, na-deads si Hudas sa pagbibigti, usual story na alam ng nakararami.
  • Sabi naman sa ibang naka sulat, na-deads daw sya nung nawalan nang buhay si Hesu Kristo habang naka pako sya. Lumindol at bumukas ang luma. Ayun, dun na-deads si Hudas.
  • Sabi naman ng iba hindi daw existing si Judas. Ewan! Siguro kundi tambay, baka adik o lasenggero nagsabi nun.
  • Sabi sa Gospel of Judas, ginampanan lang daw ni Hudas ang malaking responsibilidad na naka atang sa kanyang balikat. At walang gagawa nun kundi sya lang talaga.
  • Hindi daw talaga nagbikti si Hudas. At ung 30 piece of silver coin ginamit nya para lumayo kay Hesus sa muli nitong pagkabuhay. Actually, nung muli silang tinipon ni Kristo sa kanyang pagkabuhay, andun daw si Hudas. Un ang huling attendance nya bago sya lumayo at tuluyang bumalik sa kanyang asawa.
Pero pagkakaalam ko huminggi ng patawad si Hudas bago sya nagpunta sa puno na kanyang pagsasabitan at pagbabalian ng leeg, death by hanging. Pag nagbikti ka the tendency is to break the subjects neck.
Ang tanong dito ay “Kung humingi sya n patawad sa Diyos, malamang pinatawad sya kasi and Diyos ay napapatawad”. At “Kung pinatawad nga sya, nasa langit kaya sya ngayon?”. 

Isipin mo un, St.Judas? Santo Hudas?

26 March 2013

Semana Santa

Semana Santa; holy week—Linggo ng Palaspas, Lunes Santo, Martes Santo, Miyerkules Santo, Huwebes Santo, Biyernes Santo, Sabado de Gloria, at Linggo ng Pagkabuhay.

Iba na talaga ang sitwasyon ngayon. Ngayon, itong bagong henerasyon, ilan lang ang panuorin sa telebisyon, nung wala pang cable channels. Kundi patungkol sa pagpapako sa krus ni Hesu Kristo, block o static lang ang makikita mo. Sa mga noontime shows naman puro Lenten special, ung mga nagdra-drama na sila mismo mga cast ang gumanap sa istorya. Ilang mga nagmimisa. At kung suswertihin ka, Jesus Christ Superstar, musical na patungkol kay Hesu Kristo. Pag lumabas ka, iba’t ibang tinig mula sa klasikal na pagbasa ng pabasa. Sa radyo naman, may ilan na nagba-black lang talaga at ung iba may ispirituwal na tugtugin sa ere. Ngayon, parang wala na.

Ngayon, imbis na magnilay nilay ay makikita mo sa mga tugs tugs tugs na lugar tulad ng Boracay. Ang alay-lakad ay ginagawang aliwan nalang, picture dito, picture doon, tapos ipo-post sa mga social media sites. Magbi-visita iglesia uunahin pa ibang bagay tulag ng pag-login sa twitter at facebook account. Ang pabasa, nagbabago na, at darating ang panahon na magiging rap na ang paraan ng pagbasa nito. Nawawala na ang solemnity.

Nagbago na ang mundo; modernong mundo at makabagong teknolohiya. Kelan ba tayo nasanay sa ganitong klaseng pamumuhay. Para tayong mamamatay pag hindi tayo nakapag-online sa social media accounts; magmula sa na-upload na instagram picture, hanggang sa pagpo-post sa facebook na kung anong ginawa mo kanina, kung anong kinain mo, at mga tanong na pwede naman sagutin ni google, at sa pag-retwitt sa post ng iba. Parang ikamamatay natin kung wala tayong followers sa twitter. Parang hindi tayo makakahinga kung wala magla-like sa bagong post n mamahaling pagkain. Parang kumikita tayo sa mga repost at retwitt ng ibang account. Ulitin natin, nawawala na ang solemnity sa panahon naghihirap ang Diyos.

Bukod sa pag-alala sa Diyos ng sanlibutan, ang paghihirap na isinakripisyo ang sariling buhay para sa mga kasalanang sangkatauhan. Ang kabuohan ng Lenten Season ay ang pagninilay-nilay; kapayapaan ng isipan, katahimikan ng kalooban. Maluwag an depenisyon sa salitang ispiritwalidad. Kaya kundi man tayo relihiyoso—kahit sa katahimikan lang—dalaw dalawin natin ang pinakamalaking istranghero sa ating buhay, “ang ating sarili”.

11 March 2013

#Hashtag #Tama #Mali

Sa kahit saan social media networks (e.i., facebook, twitter, atbp.) makikita mo ang “Hashtag” at ganito un “#” saka susundan ng salita sa mga pagpo-post at pagko-comment. Parang ganito #Hashtag.

Ang kawastuhan ng pag-gamit ng hashtag sa twitter ay ganito:

Check out my new blog, Hashtag; tama at mali – “http://ulanaya.blogspot.com/2013/03/hashtag-tama-mali.html

Nagti-tweet ang social media user at magpo-post para malaman na may bagong blog siya na may kasamang link. Para saan ang link? Binibigyan pagkakataon ang netizens na mabasahin at makapag-kumento sa kanyang gawang sulatin, maganda man o nuknukan ng panget.


#Tama

Hashtag ang nagbibigay pagkakataon na makapag-post ka na may kasamang link. Parang pag sinabing #Philippines, alam ng mga followers o friend list mo na ang post mo ay may kinalaman sa naka-hashtag, at may link un papunta sa ibang webpage; maaaring picture, video o context na mababasa tungkol dito.

Hashtag din ang paraan para makapag-usap ang iba’t ibang netizen na naka publiko at organisadong diskusyunan. At kung sakaling makakita na nagpa-flooding messages sa twitter, ito ay dahil pinag-uusapan nila an particular topic, ung naka hashtag.


#Mali

Kung gaano kadaling gamitin ang hashtag, ganun din kadaling abusuhin. Tulad ng mga ito:

• Ang pag-gamit ng mga bantas at pananda sa hashtag ay MALING MALI.

Malaking kamalian ang pag-gamit ng mga bantas at pananda sa hashtag.

#Maling-mali-sa-Hashtag

Ang unang salita matapos ang hashtag lang ang kikilalanin ng internet hyperlink para sa mga susunod pang post messages ng netizen. Puwera nalang kung ang gagamitin ay underscore ( _ ), exception internet languages.

#Maling_mali_sa_Hashtag


Gayun pa man hindi applicable and underscore, kaya hangga’t maaari ay iwasan ang pag-gamit nito sa hashtags.

• Ang pag-gamit ng napakaraming Hashtag ay MALING MALI

Ang pag-gamit ng hashtag ay dipende hangga’t ang mga salita post ay nasa hashtag ng mga followers mo. Malaking kamalian na haluan ng napakaraming hashtag ang tweet.

#Ito #ay #maling #maling #pag-gamit #ng #hashtag

Kalokohan yan. Kabalintunahan yan. Nakakairita sa mga makakabasa na followers. Mas maayos sana kung iilan ang may hashtag.

Ito ay maling maling pag-gamit ng #hashtag


• Ang pag-gamit ng napakahabang post sa hashtag ay MALING MALI

Ilang bagay na hindi magandang sa mahahabang hashtag; Una, para kang nagbabasa ng napakahabang salitaan, parang walang pakiramdam ang pagbabasa; Pangalawa, kung twitter ang ginagamit malamang iilang free characters nalang ang maipo-post mo dahil 140 characters lang ang maximum sa bawat tweet. Kailangang tipirin sa character dahil kung bitin ang tweet, walang kuwenta na din.

#ItoAyMalingMalingPag-gamitNgHashtag

#itoaymalingmalingpag-gamitnghashtag

#ITOAYMALINGMALINGPAG-GAMITNGHASHTAG

Mas maganda kung mas maikli ang hashtag. Ung hindi masakit sa paningin. Ung hindi mahapdi sa mata.

At hindi kailangan ng spacing sa hashtag. Para sabihin na marunong kang gumamit ng tamang pagsasaad
ng kagustuhan sa pamamagitan ng pagpo-post.
Ito ay maling maling pag-gamit ng #Hashtag

• Ang redundancy sa post ng hashtag ay MALING MALI

Ang pagiging redundant o pagkakaulit ng mga salita na naka-post na tulad ng:

Ito ay maling pag-gamit ng Hashtag. #Hashtag

Nagpapaulit-ulit nalang, kumakain ng limited space at saka halatang nakikiuso ang gagamit nito. Mas katanggap-tanggap siguro kung ganito:

Ito ay maling pag-gamit ng #Hashtag.

Papaano naman ung mga Hashtas sa Facebook?

Karamihan ng netizens ng facebook social media site ay gumagamit ng Hashtag, minu-minuto, kung hindi pa kuntento sigu-sigundo pa.

PAALALA: Ang Hashtag ay hindi technologically adopted ng facebook. Sa madaling salita, hindi functionable ang hashtag sa ibang social media site, especially facebook. Bakit, kasi hindi sila CLICKABLE at saka walang link papunta sa ibang webpage.

Anong ibig nitong sabihin, HUWAG NANG GUMAMIT NG #HASHTAGS SA FACEBOOK.