Ang kaluluwa ay tumatakas mula sa
ating katawan kapag tayo ay namamatay. Ito ay parang usok mula sa ating pisikal
na katawan na lumalabas pag wala na tayo. Hindi lang sa laman-loob, dugo at mga
buto, ang kunsepto ng kaluluwa ay simbulo ng lahat ng mga bagay na hindi natin
nakikita. Tulad ng relihiyon, ang paniniwala na mayron talagang diyos. Hindi
lang ito likha n gating malikot na imahinasyon, hindi lang sa ating mga utak.
Hinding hindi natin ito
maiwawaksi. Maaaring kapag namatay tayo ay napupunta tayo sa ibang lugar,
maaaring sa langit, lupa o purgatory. Ang iba naman ay kung anong ginawa mo
habang nabubuhay ka ay un din ang kalalabasan ng paglipat mo sa ibang katawan,
kung naging masama ka pwede kang maging ipis o daga, kung mabait ka naman pwede
kang maging mayaman nagovernment official, super gwapo o matalinong tao. Ibig
sabihin lang ay naka dipende sa paniniwala ng ating relihiyon. Kung ateista ka
naman, pwede mong sabihin na “kung ang diyos ay hindi talaga totoo, maaari kang
”.
Paano kung namatay nalang tayo. Namatay
nang walang kabilang buhay. Nagpakabuti at nagpakatino pero, paano sila
bibigyan nang gantimpala? Paano kung Kung nagpakasama ka naman, at makasalanan,
paano ka sisingilin sa iyong kaparusahan? Hindi ko din talaga alam.