25 August 2009

Rosas (part 1)

ikaw, ikaw ang dating rosas ng aking ulan.
patuloy ang patak, idinidilig sa lupang uhaw,
walang anu mang tinik, at lagi akong sinusugatan sa pagbukas ng talulot nito.

ang kanyang dahilan ng pagkakapigtal, ay hindi ang hangin at kinalalagyan.
tanong na laging bakit ikaw ang pinananaginipan,
ang bigla mong pakawala habang nalalaglag, bago mahalikan ang lupa.

at bakit may rosas na biglang umusbong mula sa paanan
mula sa kung saan, sa dati mong pinaglaglagan.
nais lang maramdaman marahil ang ulan.

Rosas (part 2)

kung bibigkasin ng mangingibig ang salitang “mahal kita”,
yun ay magpakailanman.
pagkat sa mga sandaling iyon,
iyon din ang tanging katotohanan.

naaalala ko, nang abutan kita ng bulaklak. di ko maalala ang reaksyon mo, pero naramdaman ko kung anong pakiramdam mo..
tapos, pagkuha mo bigla kang nawala. hinanap kita pero hindi na makita..

tumawag ako pero iba ang naka sagot. at sabi hindi na raw ikaw ang may hawak nun. pumasok ako sa eskuwela pero walang nakakarinig ng pangalan mo. binalikan ko ang lugar kung saan tayo unang nagkakilala.
at nakita kong may kamukha ka dun. tinawag ko pero hindi siya lumingon, hindi niya ata ako na ririnig. naglaho siya sa nagdagsaang tao bago ko siya malapitan. siguro nga, baka hindi ikaw yun, pampalubag ko sa sarili.

hanggang sa ngayon, hinahanap pa rin kita, kahit alam kong malayo na ito sa realidad. realidad na wala ka na, at hindi ka na muli pang magpapakita..

Rosas (part 3)

sumibol ang rosas sa aking puso,
pula, halos ka kulay ng sariling dugo.
isang dipa ang kanyang tangkay, puno ng tinik at mga dahon.
di ko alam kung kelan ito makakaramdam ng pag ahon.

ilang araw lang nang nan lanta,
bumagal pati pintig ng aking puso.
pakiramdam ko, kinuha ng rosas ang lakas ko,
at pagkaka alam ko, rosas na tuyo’t na lang ito.

Pamamaalam

“PAALAM”, sabi ko. “PAALAM din”, sabi mo.. ngunit bakit walang gustong umalis.
kaya ang sabi ko ulit “paalam na”. at sasabihin mo din ulit ay “PAALAM”.
habang pa ulit-ulit nating sinasabi ang ating pamamaalam, ay nawawala na ang ibig sabihin ng salitang “paalam”, at napapalitan na ng iba..
at pagdating sa puntong di na natin ang alam ng kung anong ibig sabihin ng salitang “paalam”, sa huli pati tayo ay malilito sa kahulugan nito..

at sa pagtatagpo ng ating paningin. ang nangungusap mong mata, na kahit kelan ay hindi ko na kailangang maunawaan kung anong ibig sabihin, dahil di ko na din naman ito uli pang masisilayan..

alam na kung anung susunod dito.. ibibigay ko ang pinakamatamis na ngiti, tapos tatalikod, at maglalakad palayo..