Pero
ito’t nagmamadaling sa bagong umaga,
na
ngayon’y bumubuhos sa’king alaala.
At
pinasok nang pagkabukas aking bintana.
Walang
himbing sa’king alaalang kasama ka.
Kung
ginising man ng maling panaginip,
hindi
na lang ipipikit ang puyat kung isip.
Yaring pipikit kahit saglit, hihiga't iidlip,
sa haba ng magdamag, na iinip pati panaginip.
Kapag
ang kanyang katahimikan ay ‘di inunawa,
paano
pa maiintindihan ang kanyang mga salita.
Ang ilang gabing puyat
binubuong
panaginip sa’king pagsulat
at
habang iniluluwa ng gabi ang bukas
nilulunon
ng yung gunita ang aking dinaranas.
Tahimik kitang sasagutin ng katahimikan ngayong gabi
para
paulit-ulit mong dingin ang hindi kayang masabi,
Na
palaging ngiti ang hinihintay na sagot mula sa’yong labi.
Ang
oras na kinakailangan mahimbing, ‘di naman maka idlip, ‘di naman maka tulog.
Inaayawan ng diwang kung tawagin ay antok. Naghahanap ng panaginip kung anumang
kayang ialok.
Minsa’y
pagkakaitan nga ng himbing, kung kailan dapat kang tulog, doon ka naman gising.
Minsa’y
mahimbing kang di ka naman magising.
Hindi tulog, hindi gising, siguro andun ka sa kalagitnaan ng tulog at gising.
Panong malamang tulog kang umidlip nang himbing, kundi maramdamang tulog ka. O pikit ka lang sa pananaginip sayong diwa.
Bawat
hinding sumaging iniisip ka
At
habang umiiwas ay lalong magkikita
Sa
pagsasama nating wala sa tugma
Kapag
‘di ka magambala sa’king pagwawalam-bahala,
Oh
para pagkukublian na lang sayong alaala.