Dati, ang hirap sa babae ang mag aral. Siguro dahil hindi sila na bigyan pagkakataon noon na makapag aral. Kasi daw sabi ng matatanda ay “mag aasawa” lang daw at “mag aalaga ng bata”, tapos “pang bahay” lang.
Anu ba meron ang kababaihan na meron nuon magpahangang ngayon, “mahinhin?”, oo nga naman, magpa hangang ngayon ang pagiging mahinhin ng Filipina ay simbulo ng pagiging mahinhin.
Dati, ang mga pilipina ay pantay pantay bago dumating ang mga kastila. Kaya nilang gawin ang mga kayang gawin ng mga lalaki. Noon, sa mga sinaunang tribo at mga kabundukan, ang mga kababaihan lang ang pinapayagan na pamunuan ang mga ritwal, at kung gagawin naman ng lalaki ang ritwal na ginagawa ng babae, kailangan niyang isuot ang damit ng babae par makapag ritwal. At nung dumating ang mga kastila, nagtaka sila kung bakit napaka laya ng kababaihan dito sa Pilipinas. Kayang mangabayo, pumupunta sa magagarang okasyon, kayang magmana ng ari arian at lupain, kayang pumirma ng kontrata at mga papeles, nakikipag kalakal sa mga intsik, na sa isip ng mga kastila ay hindi dapat gawin ng mga babae.
Kaya nang dumating ang mga kastila sa Pilipinas, ay mabilis nilang binago ang mga mga kinasanayan ng mga kababaihan. Kaya na buo ang salitang “Maria Clara”, ung mahihinhin, hindi nagsasalita, ung hindi nakikipag laban. Si “Maria Clara” ay tinaguriang “Inang Pilipinas”, dahil sa kanyang katangiang sumisimbulo sa pagiging mahinhin at pinong pag kilos ng na tatanging dalagang pilipina.
Kaya nang nagsimula ang himagsikan, hindi lang mga kalalakihan ang lumaban, maging ang mga kababaihan din, na minsan pa nga ang kababaihan ay siya pang namumuno sa batalyong pandigma ng Pilipinas.