Sabi ng nakararami, ang tao para magising eh kailangang buhusan ng tubig
-“pero dapat ung malamig”.
Kapag hindi na gising, alin lang sa dito sa dalawa, nagtutulug tulugan, oh hindi na humihinga.
-“sana, alam ko kung anu ba ako dito”
Sa mga oras na kinakailangan kong matulog, pero kahit anung gawin hindi ako dalawin ng antok. Pero kung minsan naman na kailangan kong magising, doon naman ako nakaka tulog. Kaya siguro madalas hindi ako tulog di rin ako gising, naroon ako sa kalagitnaan ng tulog at gising.
- teka nga, meron ba nun?
Merong uri tulog na malalim, ung klaseng naka tulog nang sobrang bilis, na halos hindi mo na namalayang naka tulog kana pala.
- “ang labo naman”
Paano mo malalamang na ang pagkakatulog mo eh mahimbing ka naman umidlip. Kung hindi mo man na ramdamang naka tulog ka nga at baka pikit mata ka lang na nananaginip sa sariling diwa.
Ung mga bagay na tinulugan mo, pag gising mo eh andun pa din. Kahit anong gawin mo hindi nawawala, pero umaasa ka pa ding mawala. Mawala ang lahat ng nangyari. Parang panaginip lang. Kung sa kaling magising ka sa iyong pagkaka tulog, matutulog ka ulit.
-“baka nga namgn sa kaling pag gising ko. ayus na... wala na...”
Kapag tulog ako, hindi ako na sasaktan, kahit gaano pa kalakas at kalaki ang aking kalaban sa panaginip. Kahit sugatan na, kahit gulpe at bagsak na, bumabangon pa din para pa tumbahin lahat ng kalaban. Tumatayo pa din para pa talunin lahat ng kaaway.
-“siguro, ganun talaga lagi.”