22 November 2010

Ibig

Sabi sa mga kanta, “Maging masaya ka na lang sa mahal mo”, kahit hindi talaga para sayo. Sabi ko naman “Di yan totoo”, kasi naman parang nangyayari lang yan sa mga love songs. Kahit sa nobela, may nagkaka tuluyan, tapos may nasasaktan, tapos kalilimuitan na sa sila sa eksena. Ganun din sa mga penikula, meron pa din “Kalimutan mo na sya, marami pang iba”, parang si “leading man and leading lady” nakaka tuluyan tapos ung “third person” biglang mawawala sa eksena, kung inde mamamatay oh magiging kontrabida.

Bakit nga ba ganun, minsan na lang magmahal, lagi pang pa lihim. Siguro kasi hindi na sila umaasang mamahalin nang kung sino man un. May mga tanong na, “nasaan ka na kaya?”, eh di ba parang umaasa lang sa wala. Yan ang mga pagkakataong tinitingala mo nalang sa langit ang problema mo sa puso, humihiling sa kung anung hindi naman kayang mangyari sa totoong buhay, “ngangarap ba oh ilusyon?”, hindi ko alam.

Bakit masakit mag mahal? Para saan ba dapat recommendation ba sa tao na mag mahal? Eh pano kung ang mahal mo eh may mahal na iba? Oh kung ang mahal mo ay mahal ka pero mas mahal niya ang iba. Di kaya naman pinaunawa mo sa kanya ang nararamdaman mo tapus ang sagot niya “Hindi ko kasi siya ma iwan eh”, oh “Gusto kitang tulungan, kaso…” at “mahal ka nga pero…”, kapag na rinig na ung salitang “kaso at pero” di ba parang laging limitasyon, laging may pumipigil.