19 June 2012

Payat na Diwa

Parang kanina lang ang kahapon. Hindi pa natatapos.
Pero ito’t nagmamadaling sa bagong umaga,
na ngayon’y bumubuhos sa’king alaala.
At pinasok nang pagkabukas aking bintana.
Walang himbing sa’king alaalang kasama ka.
Kung ginising man ng maling panaginip,
hindi na lang ipipikit ang puyat kung isip.

Yaring pipikit kahit saglit, hihiga't iidlip,
sa haba ng magdamag, na iinip pati panaginip.
Kapag ang kanyang katahimikan ay ‘di inunawa,
paano pa maiintindihan ang kanyang mga salita.

Ang ilang gabing puyat
binubuong panaginip sa’king pagsulat
at habang iniluluwa ng gabi ang bukas
nilulunon ng yung gunita ang aking dinaranas.

Tahimik kitang sasagutin ng katahimikan ngayong gabi
para paulit-ulit mong dingin ang hindi kayang masabi,
Na palaging ngiti ang hinihintay na sagot mula sa’yong labi. 

Ang oras na kinakailangan mahimbing, ‘di naman maka idlip, ‘di naman maka tulog. Inaayawan ng diwang kung tawagin ay antok. Naghahanap ng panaginip kung anumang kayang ialok.
Minsa’y pagkakaitan nga ng himbing, kung kailan dapat kang tulog, doon ka naman gising.
Minsa’y mahimbing kang di ka naman magising.

Hindi tulog, hindi gising, siguro andun ka sa kalagitnaan ng tulog at gising.
Panong malamang tulog kang umidlip nang himbing, kundi maramdamang tulog ka. O pikit ka lang sa pananaginip sayong diwa.
Bawat hinding sumaging iniisip ka
At habang umiiwas ay lalong magkikita
Sa pagsasama nating wala sa tugma
Kapag ‘di ka magambala sa’king pagwawalam-bahala,
Oh para pagkukublian na lang sayong alaala.

11 June 2012

Independence Day


114 years after...

A country of almost 90 million...
unable to employ its people...
nor feed them.

Filipinos are still looking for heroes... and dancing to the tune of politics.

After 114 years... what has changed?

Are we doing things differently?
Are we thinking differently?
Are we acting differently?

Insanity is expecting different results while doing the same thing again, and again.

Progress can be found outside the old habits and tired traditions.

Happy 114th Independence Day Philippines!